18

17 2 0
                                    

Kabanata 18: Saving Emily

"Hey Sunshine."



"O-Oy Hanson! B-Bakit?" Nanginginig ang mga labi kong hinarap si Hanson habang nagdidribble ng bola.



"Can I use the ball?" Bumaba ang tingin ko sa bolang idinidribble ko ngayon ng inguso ko ito kay Hanson.



"H-Ha? Ah oo naman!"



Pinasa ko sa kanya ang hawak kong bola bago ako tumakbo papunta sa pinaglagyan ko ng bag ko. Umupo ako sa bleachers at tumungga ng tubig habang nakatitig kay Hanson na nagshoshoot ng bola. Sandali siyang sumulyap sa akin pero umiwas ako kaagad. Madalas na akong napapatitig sa kanya at hindi ko alam kung bakit palaging niyang nararamdaman ang mata ko.



Ilang araw na ang nakalipas ng maghang-out ang tropa sa Lionel Bistro. Awkward pa rin ako kay Hanson matapos niya akong alayan ng kanta sa Bistro. Ini-issue na kasi kami ng mga kaibigan namin pati ng mga kaklase ng makita nila yung Facebook post ni Gracie nung gabing yun.



"Oh my god. Siya ba si Prince?"

"Ang gwapo niya talaga right?"

"Mapapansin niya kaya ako?"



Napangiwi ako at tinignan ang mga babaeng taga kabilang section na kilig na kilig kay Hanson. Hindi ko alam pero gustong gusto ko silang sabuyan ng asin ngayon. Pucha. Parang mga bulate.



Bumalik ang tingin ko kay Hanson at nanlaki ang mga mata ko ng makitang papalapit siya dito. Hinagod niya ang buhok niya pataas habang pawisan siya sa paglalaro. Nagawa ko pang malunok ang tubig sa bibig ko bago niya hinablot ang inuman ko at dire-diretsong tinungga ito.



"Thanks."



Umangat nanaman ang isang gilid ng labi niya bago siya naglakad palayo. Dahan-dahan naman akong napalunok ng makitang yung dalawang babae na masama ang tingin sa akin.



Umalis ka na Sunshine! Bago ka pa matodas sa mga babaeng yan.



Binitbit ko ang bag ko at naghanap ng malilipatang upuan. Gusto ko sanang tumabi kanila Gracie pero kasama naman nila si Ouie. Isa pa tong lalaking to, ilang months na kaming hindi nagkakausap ng maayos.



Bumuntong hininga ako bago naglakad palapit sa kanila. Gusto ko na sanang maging close kami ulit kaya naman gumagawa na ako ng mga paraan para bumalik kami sa dati. Ilang hakbang nalang sana ang gagawin ko ngunit napalingon ako sa may labasan ng gymnasium at nakita ang isang babae na tulalang naglalakad.



"Emily?"



Nagdalawang isip pa ako kung siya talaga yun ngunit bahagya siyang lumingon sa may side ko kaya nagawa kong makita ang buong mukha niya. Si Emily nga talaga! Hindi ako pwedeng magkamali. Pero bakit ang laki ng pinayat niya?



"Sunshine! Saan ka pupunta?!" Hinagis ko lang kay Happy yung bag ko bago nagmamadaling sinundan si Emily.



Mahigit isang buwan ng siyang hindi nagpapakita sa mga practice at sa klase. Deactivated lahat ng kanyang mga social media accounts. Kinontact na ng mga teachers niya ang family members niya pero palagi daw itong hindi ma contact ayon kay Syrene. Si Coach Chelsea at adviser ni Emily naman ay sinubukang puntahan ang bahay nila ngunit tikom ang mga bibig nila sa kung anong nangyari.



Nagkaroon tuloy ng malaking chismis sa squad na baka nabuntis daw si Emily o may malubhang sakit. Hindi kami close ni Emily at palagi niya akong inaaway pero nagalit ako ng marinig mula sa kanila yun.



A Little Bit of SunshineNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ