19

16 1 0
                                    

Kabanata 19: Remember me, Emily

"Damn. I still can't see a trace!"



Maggagabi na ngunit nasa pool pa rin ang basang-basa na si Hanson. Hanggang ngayon kasi ay hinahanap niya pa rin ang mahiwagang kwintas ko. Ngunit kahit na nalangoy niya na ang buong pool, wala pa rin siyang nakita ni isang bakas nito.




"What if sa Monday nalang natin hanapin yun?"




"Huh?" Parang bigla akong naluha-luha dahil sa sinabi niya. "Paano kung mawala na talaga yung kwintas ko?"




"We will definitely find it Sunshine."




"Paano kung may ibang kumuha? Weekends na nga diba kaya-" Natigil ako sa pagsasalita ng bahagyang buhatin ni Hanson ang sarili niya paakyat sa swimming pool kaya mas lalong lumapit ang mukha niya sa akin.




"Don't you trust my words, Sunshine?"




"I-I trust you pero p-paano lang kasi kung-"



"You just have to trust me, okay?" Parang may lumipad sa tiyan ko ng hawakan niya ang pisngi ko. "Just trust me kahit na anong mangyari. And if ever I will be able to do something wrong, please don't hate me immediately."



"Hmmm." Tumango ako bago umiwas ng tingin sa kanya at tumayo. "Tara na at baka magsarado na yung school gate."




Mabilis na nagbihis si Hanson bago kami nagdecide na umalis. Humabol pa ako ng sulyap sa swimming pool bago kami nagsimulang maglakad sa may hallway.





Naririnig ko lang ang kaluskos ng mga paa namin ni Hanson habang naglalakad ng may isang metrong layo sa isa't-isa. Naka on na lahat ng ilaw ng mga classrooms kaya naman kapag nililingon ko si Hanson ay nakikita kong seryoso lang siya habang nakadiretso ang tingin sa daanan.




"Didiretso muna tayo sa hospital before I'll send you home, okay?" Gusto ko sanang umangal pero agad niyang sinalubong ang tingin ko. "You have any complaints to that matter?"



"Wala. Wala naman akong magagawa diba?" Napairap nalang ako bago nagpahila nalang sa kanya.



Pagkarating namin sa may kotse niya ay hindi ko nadatnan ang driver niya kaya naman siya ang nagmaneho ngayon papunta sa may ospital. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pagkatapos nun ay nagpatugtog siya ng kanta sa radyo. Ilang beses pa akong nagnanakaw ng tingin sa kanya habang nagdadrive siya ng kotse ng parang nasa commercial.




Pucha. May nagawa siguro akong maganda sa past life ko kaya madalas kong makasama ang ganito kagwapong nilalang.




Dumating na kami Divine Word Hospital at katulad ng inaasahan ay hindi ko nagustuhan ang mga nakikita ko. Ayaw na ayaw ko talagang nakakakita ng mga pasyente na nakawheelchair, ng mga nurses, at doctors. Ngunit halos manglanta ang mga tuhod ko ng marinig ang sinabi ni Dr. Lim pagkatapos niyang makita ang sugat ko.




"Mabuti nalang talaga at marunong ka ng first aids, Mr. Miranda. The situation would be more worse kung hindi naagapan. But now, we need to do a total of 5 stitches for the wound on her hand."




"Okay Doc. Kayo na po ang bahala sa-Sunshine? Why do you look so pale?"




Hindi ko siya sinagot at kumapit lang ako ng mahigpit sa braso niya hanggang sa matapos ng tahiin yung kamay ko. Tawa lang naman ng tawa si Hanson habang pinapanood akong magdusa.





"Tay, pwede ba akong umalis?"



Sabado, at alas 7 na ng gabi ng mapagdesisyunan kong umalis papunta sa bahay nila Emily. Bihis na bihis na ako pagkaharap kay Tatay para wala ng atrasan. Panglimang araw na kasi to makalipas ng pagiging suicidal ni Emily sa school at ngayon lang ako nagkaroon ng time para dumalaw.



A Little Bit of SunshineWhere stories live. Discover now