22

7 1 0
                                    

Kabanata 22: Fluttering Hearts

"Aray-!"



Sa pagtatapos ng picture taking namin nila Poli at Hanson dito sa ACHS, ay muntik na akong maout of balance sa kinatatayuan ko nang mabangga ako ng isang lalaki.



"Sorry Miss. Paharang harang ka kasi." Hindi ko na nagawang makapag reklamo ng dire-diretso na siyang naglakad paalis.



Napailing nalang ako habang sinusundan siya gamit ang mga mata ko. Ang lakas din ng tama ng isang yun dahil tinarayan ba naman ako at sinabi pang ako ang hinditumitingin sa dinadaanan ko?!




Myghad! Iisipin ko nalang na malaki ang problema niya sa mundo para hindi na ako mabadtrip.



Napahilot ako sa sentido ko at ilang beses na tinapik ang dibdib ko para pakalmahin ang sarili ko. Sa pagdilat ko ng mga mata ko, muntik na akong maubo nang makita si Hanson na nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin.




"Oy Sunshine. Hindi mo ba ako bibigyan ng pag-asa?"



"Ha?!" Nanlaki ang mga mata ko at ilang beses na napakurap bago naningkit.



Shems. Tama ba ang pagkakarinig ko?



"Why do you look so surprised?" Nagsalubong ang mga kilay niya. "I just asked kung hindi ka ba magpapapasa ng mga pictures natin."



Ay pucha. Mukhang kailangan ko na nga siguro talagang magpacheck-up ng tenga ko.



"Magpapapasa! Ito na. Sandali lang." Kinapa ko yung cellphone ko sa bulsa ko. Unti-unti namang umakyat ang kaba sa dibdib ko ng hindi ko na maramdaman ito.



"Aba Putanginacan."



"Hoy don't curse. Alam mo namang may bata." Sinamaan ako ng tingin ni Hanson at umakto na tinakpan ang mga tenga ni Poli pero hindi na ako nag-abalang pakinggan siya.



Naghanap ako ng mauupuan at hinalungkat ang mga gamit ko sa bag. Hindi ako pwedeng magkamali na nilagay ko lang yung cellphone sa bulsa ko kanina! Deputa. Mukha nadukutan ako. Patay talaga ako kay Tatay nito.



"Ate Sunshine? Ano pong hinahanap niyo?" Umangat ang tingin ko kay Poli na parehas na magkasalubong ang mga kilay tulad ni Hanson.



"N-Nawawala yung cellphone ko Poli eh." Nanginginig kong binalik yung mga gamit ko sa bag ko bago tumingin kay Hanson. "Uy. Kailangan ko munang pumunta sa SSG office."



"Sama nalang kami ate!" Mabilis akong umiling kay Poli at tinapik ang ulo niya.



"Malapit ng maggabi Poli. Kailangan mo na talagang umuwi."



"You're ate's right. Baka nag-aalala na ang Nanay mo." Binuhat ni Hanson si Poli bago binitbit sa isang kamay niya yung stuffed toy na panda. "Wag ka munang umuwi Sunshine. Ihahatid ko lang si Poli and I'll be back."



"Umuwi ka nalang din Hanson. Ako na ang bahala-" Napasimangot nalang ako ng talikuran niya ako sinimulang maglakad papunta sa gate. Nilingon naman ako ni Poli at kumaway pa sa akin habang nakangiti bago nag flying kiss.



"Ingat ka Ate Ganda!"



Mabibilis ang sunod na mga hakbang na ginawa ko papunta sa SSG office. Siyempre kabado ako dahil paulit ulit ko ng naririnig ang boses ni Tatay sa utak ko. Patay talaga ako neto. Kailangan ko nalang ihanda ang mga tenga ko dahil mukhang dumadami na talaga ang kasalanan ko sakanya.



A Little Bit of SunshineWhere stories live. Discover now