41

0 0 0
                                    

Kabanata 41: Drunk and Confused

Maga-alas dos na ng umaga nang dumating ako sa Courtney Bar. Sinalubong kaagad ako ni DJ Chalk na tuwang-tuwa na makita ako at agad na pinainom ako ng isang shot ng tequila.



"Shocks! May trabaho pa tayo bukas diba?!"



"Walang traba-trabaho! Tatagay lang tayo mga gaga!"



Sabay-sabay kaming naghiyawan bago ako nagpaalam na pupunta muna sa cr. Siyempre nagpalit ako ng dark make up, tinanggal ang longleeves ko at nagsuot ng isang sleeveless bodycon dress. Handa na ako sa ganitong mga gimik kaya naman may dala dala akong hair curler sa sasakyan na agad ko namang ginamit para sa buhok ko. Pinalitan ko na rin ang sapatos ko ng mas mataas na heels bago ako palihim na lumabas muli sa parking lot.



Bago pa ako bumalik sa pwesto ng mga katrabaho ko, nakita ko na si DJ Chalk at isang lalaki nalang ang natitira sa couch. Nakatalikod yung lalaki mula sa pwesto ko kaya naman hindi ko agad nakita ang mukha niya.



Mukhang nakabingwit kaagad ng boylet ah? Hindi na nga lang ako lalapit para hindi sila maistorbo.



Natawa at napailing ako bago hinanap ang mga katrabaho namin sa dancefloor. Madali ko naman silang nakita na may kani-kaniya ng mga partner na nabingwit.



May ilang mga boys ding lumapit at nagpakilala sa akin. Hindi ko matandaan ang mga pangalan nila pero naaalala kong sinabayan ko lang sila sa pagsayaw sa dance floor. That was just a normal night at thankfully, wala namang nambastos.



Monday na at balik nanaman ako sa pagtatrabaho. Kaya naman pilit kong inayos ang sarili ko kahit na sobra akong nabitin sa weekends.



For tonight's outfit, hindi ako gaanong nag-effort. I only wore black leggings paired with a light pink oversized top and white sneakers. I tied my hair into a bun, applied some light make-up and wore my favorite spectacles. For my bag, I grabbed my light pink mini backpack na match sa damit ko.



Lumabas na ako ng unit ko at sumakay ng elevator habang nagiiscroll sa instagram. Nagulat ako nang makitang dumami na ang followers ko but above all of them, nakuha ng attention ko ang isang account na fino-follow ako.



DrCrackers started following you.



Automatikong umarko ang kilay ko. DrCrackers? Seriously Hanson?



Natawa ako ng maalala ko ang nakasave na name niya sa contacts ko noon. I named him as Hanson Crackers before. Naalala niya pa ba yun kaya ito ang gamit niyang username?



Hindi ko muna siya finollow back at nagdrive na muna papunta sa station. When I finally arrived at the headquarters, inistalk ko na muna ang account niya pampalipas oras.



Wala pang profile si Hanson at 5 pa lang ang posts on his wall pero 10k na ang followers niya.



Grabe. Famous na famous ka boy?



His first post was a picture of him during his graduation day. He uploaded it last week at mahigit 8,000 ang naging likes niya. His next post was a picture of him on his lab gown while at the hospital and guess how many likes he got?



"30,000?" I almost shout but I was able to cover my mouth bago ako napalingon sa paligid.



Mabuti nalang wala pa akong katabi at busy ang iba kong mga kasama kaya hindi nila ako napansin. Nakahinga naman ako ng maluwag bago ako bumalik sa pang-iistalk.



A Little Bit of SunshineWhere stories live. Discover now