52

0 0 0
                                    

Kabanata 52: Duke's POV

"Fvck you Duke! Saang lupalop ba kayo nagpunta ng Kingina na yan at hindi ko kayo mahagilap?! Lintek! Ako lang ba talaga ang magpapaalam sa principal?!-GRRRRRR!"



Mag-isa akong nakaupo ngayon sa Jollibee, waiting for my order and also waiting for my ever dearing companion na palaging late. At dahil nga sinadya naming hindi isama si Queenie, heto ako ngayon at halos mabasag na ang eardrums sa pagputak ng reyna sa kabilang linya.



"Shhhhh, Queenie. Lower your voice. Abot nanaman pageeskandalo mo hanggang Jollibee."



My cellphone's currently in loudspeaker which made the people here at Jollibee look at my table, back and fourth. I'm starting to look like the weird one out here pero wala akong pake. I would never risk my eardrums para sa pagmamaktol ng babaeng to.



"GRRRRR! Edi hinaan mo volume mo! Leche! BYE! Mabilaukan sana kayo!"



Napailing at natawa nalang ako dahil sa mga pinagsasabi ni Queenie bago ako bumalik sa paglalaro ko sa cellphone. I was starting to get focused to win the level of the matching game na ilang araw na akong stuck kaya naman hindi ko na nagawang pansinin ang babaeng nagtanong sa akin kung pwede ba siyang makiupo sa table.



Her waving hand blocked my view from the phone. Kaya naman agad kong naclick ang pause button at umangat ang tingin sa kanya.



"Ay sorry! May sinasabi ka ba sa akin, miss?"



I can still remember the look on Sunshine's eyes on our first meeting. She looks amazed, para bang nawalan ng hininga, at para bang mabubulol anytime na magsalita siya.



"Crush niya ba ako?" Sandaling sumagi ang tanong na yun sa isip ko for approximately 10 seconds.



Ibang-iba naman kasi ang kagwapuhan ko kanila King at Hanson. They are way above me, but still, I know I'm handsome. Pero hindi naman ganon kalakas ang hangin ko to think that girls fall in love with my appearance the moment that they'll see me.



Sunshine's pretty cute, has a bright aura, at tama naman ako lalo na ng magkausap kami. I tried to look like I'm trying to flirt with her infront of Hanson but she's not exactly my type.



Hindi siya yung tipong jojowain ko no! She's too nice para makasiraan ko. At mukhang patay na patay sa kanya si Hanson so heck no!



Mas lalo pa kaming naging magkaclose ni Sunshine nang ilang beses na kaming magkita, magkausap, at magshare ng mga bagay lalo na ng mga tungkol sa buhay ni Hanson. But I really find it funny that she always forgets about me because of how I change my hairstyle.





"Duke, anak. Anong tinatawa tawa mo diyan?" Isang araw, automatiko kong naitago ang cellphone ko nang makiusyoso si Mama.. "Babae? Maganda? Saan mo naki-?"



"Wala! Ano ka ba naman Mama? Di po ba pwedeng tumatawa lang ako mag-isa dito?" Nginiwian ko siya but the teasing look on her face remained the same.



Napadaan lang kasi ako sa gallery ko kung saan nandoon ang pictures namin ni Sunshine nang magkita kami sa convenience store at nung naghang out kami sa Bistro. Bigla ko lang kasing naalala ang pagiging makakalimutin niya at talagang pagiging kalog that is very different from the girls.



"Yiieeeee. Nakita ko eh. You've been staring on your picture with a girl." Tumabi sa akin si Mama so I moved away from her. But she keeps on moving closer to me kaya naman sumuko na ako, tumayo, at lumipat sa kabilang sofa.



A Little Bit of SunshineKde žijí příběhy. Začni objevovat