47

0 0 0
                                    

Kabanata 47: Last Day on Earth

I woke up and found myself lying on the cold ground of a dimly-lighted place with an awful smell of rust and gas in the air. Masakit ang ulo ko ngunit pilit kong idinilat ng maayos ang mga mata ko para makita ang paligid.



"Pucha. Nasaan ba ako?"



Hihilurin ko sana ang mata ko dahil blurry pa ang paningin ko but I wasn't able to do it because both of my hands are tied on my back. Napatayo ako at maglalakad na sana but my legs halted because it was tied to two metal chains that was also strongly attached to the wall.



"Pucha. Ano bang pakulo to? Nanaginip lang ba ako?" Sinubukan kong umiling at iuntog ang ulo ko sa pader pero ako lang ang nasaktan sa huli. "Aish. Hindi nga panaginip to!"



Biglang nagflashback sa akin ang nangyari pagkatapos kong makalabas ng station. Oh shit! Sumakay ako ng taxi at mukhang alagad pa talaga ng hayop na Renzo na yun ang nasakyan ko! He let me smell some type of smoke at dahil dun, nawalan na ako ng malay!



But now, where the hell did that guy bring me?!



Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at nakita ang naglalakihang cargo boxes na magkakapatong sa mga gilid gilid. This is probably his hideout where Renzo hides his crimes. Nakakakilabot mang isipin pero baka posibleng gawan din niya ako ng krimen kapag hindi pa ako nakatakas dito.



Lumakas ang pintig ng puso ko ngunit muli kong pinakalma ang sarili ko para pakinggan ang tunog sa labas. I am 100% sure that it was the sound of the waves coming from the sea.



Wait. Dagat? Nasa Alveolar pa kaya kami o nasa labas na ng city?



Nakagat ko ang labi ko bago muling lumingon sa paligid. Biglang pumasok sa alaala ko ang pagkawala ni Nanay kaya halos mapalundag ako.



"NANAY!" Automatikong gumalaw ang bibig ko and I shouted at the top of my lungs. "NANAY! Nasaan ka? Please kung may tao diyang hindi halang ang kaluluwa! Pakawalan-!"



"HOY! MANAHIMIK KA NGA DIYANG BABAE KA!"



Parang lumundag ang kaluluwa ko palabas ng katawan nang sumulpot ang isang lalaki na may dalang malaking tubo out of the blue. Alam kong mas bata pa to kaysa sa akin at kumakain siya ngayon ng lollipop sa bibig niya.



"Tingin mo ba may makakarinig sayo? Boba ka ba? Ha?!" The guy slightly tapped the tube on my arm.



Kaagad akong nabalot ng takot nang maisip kung anong pwedeng mangyari sa akin sa oras na ihampas niya ang tubo sa katawan ko. Pucha. Magkakanda bali bali ang katawan ko niyan!



"H-Hindi ako boba! Ikaw ang gago!" Nagtapang-tapangan ako ang he seemed to become entertained with what I've said. "Ano bang kailangan ni Renzo sa akin ha?! B-Bakit niya ba ako dinala dito?! Nasaan ang Nanay ko?!"



"Binabayaran lang ako dito Ate. Hindi ko alam kung anong motibo ng boss ko, hindi ko alam kung nasaan ang Nanay na sinasabi mo at wala akong planong alamin." Nakagat ko ang labi ko ng idampi niya sa pisngi ko ang malamig na tubo. "Pero mukhang alam ko na kung anong naging kasalanan mo sa kanya."



"A-Ano?"



"Yang bibig mo. Mukhang hindi kasi mapigilan sa kadadada." Tumawa siya ng malakas and it echoed loudly in the whole warehouse. "Pero infairness. Spoiled ka ata kay boss kahit na may malaki kang kasalanan sa kanya."



Nagsalubong ang mga kilay ko.



"Anong ibig mong sabihin?" Ngumiti siya bago naglakad palayo sa akin.



A Little Bit of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon