Special Chapter

296 17 8
                                    

WARNING: Rated-18...charot. Walang SPG rito (≧▽≦)

Gabrien's point of view

It's almost a year after that revelation and such. Kapag iniisip ko parang hindi pa rin totoo. Maybe miracles really do happen and he happened to be chosen.

Andito ako ngayon sa office nila Mama. Dito na rin nila ako pinagtrabaho para maturuan nila ako nang maigi.

Habang nagco-compile ng mga papeles ay tumunog ang phone ko kaya kinuha ko muna iyon. Sinagot ko ang tawag nang makitang galing 'yon kay Faye.

"Natandaan mo naman siguro, 'no? Magpapa-party ako tonight at dapat kasama ka. Maranasan mo man lang uminom," biro niya na tinawanan ko lang.

Hanggang ngayon mahal na mahal niya pa rin ang alak. Napailing ako.

"Sasama ako. Baka medyo ma-late lang nang konti. Marami pa kong tatapusin dito, e," paalam ko.

"Keri lang. Ang mahalaga pupunta ka. Sige na, maghahanda pa ko. Bye, see you!" ibinaba na niya ang linya kaya itinuloy ko na ang kanina'y ginagawa.

Tanghali pa lang at hindi pa ako nakakakain. Inuna ko muna kasing gawin lahat ng naka-assign sa 'kin para hindi na 'ko mag-over time.

Matapos ang kalahating oras ay natapos ko na ang pagco-compile. Nag-unat muna ako ng katawan bago tumayo para mag-text kila Mama. Sumabay ako sa kanila sa pagkain para makapagpaalam na rin sa party mamayang gabi.

"Ikaw lang mag-isa? Isama mo na si Felix para maihatid ka pauwi," saad ni Papa.

"May kotse naman po ako, tsaka busy po 'yun. Baka maistorbo pa sa trabaho. Tsaka malapit lang naman po 'yung pupuntahan ko mamaya," balik ko.

"Sigurado ka ah? Basta 'wag ka lang masyadong magtagal do'n."

"Opo."

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain saka bumalik sa trabaho. Maaga akong nakauwi kaya naligo na agad ako.

Naisipan kong i-text muna si Felix kung nakauwi na ba siya.

Felix: Not yet, but I'm almost done here.

Me: Pahinga ka na agad pag-uwi.

Haay. Gusto ko pa naman sana siya makita kaso pwede pa naman bukas.

Felix: Yeah. Napagod din ako ngayong araw. Magpahinga ka na rin.

Medyo nakonsensya ako dahil may pupuntahan pa nga akong party.

Felix: Good night. I love you.

Mabilis akong napangiti saka nagtipa ng reply.

Me: Good night. Love you, too.

Naitikom ko ang mga labi dahil sa kilig. Ewan ko ba, ilang buwan ko nang natatanggap ang gano'ng mensahe pero parang bago pa rin.

Umalis ako ng bahay saktong alas nueve. Tumagal nang 40 minutes ang biyahe dahil dumaan pa 'ko ng mall para bumili ng regalo syempre. Matapos kong maiparada ang kotse ay tinawagan ko muna si Faye para may kasama ako papasok kasi kinakabahan ako. Baka mamaya bigla nila akong abutan ng alak nang hindi ako ready. Gusto ko pa namang makauwi, 'no.

"Ba't nahiya ka pang pumasok? Masyado ka namang nerbyosa, Gab," Faye laughed a bit after that.

I showed an awkward smile before greeting her. "Happy birthday," I handed her my gift.

My Spirit Man Where stories live. Discover now