Kabanata 26: Panibagong simula

302 25 1
                                    

A/N: Try niyo pakinggan 'yung music habang nagbabasa. Feeling ko kasi bagay, e. Skl ho. ◉‿◉

Gab's point of view

"Puwede ka ba bukas?" Tanong ni Zhem.

Palabas na kami ng gate dahil uwian na. Kanina pa nauna sina Myra at Jake kaya hinintay ko na lang si Zhem.

"Uh, siguro. Bakit?"

"Kung nakikita mo si Alexander, kaya mo rin siyang makausap, 'di ba?"

Ah...

Naging mabagal ang pagtangong ginawa ko. Napahawak ako sa dalawang strap ng bag ko saka nagbaba ng tingin.

"Oo."

"Can you speak to him for me?" Doon ko lang siya sinulyapan.

Nauunawaan ko naman ang gusto niyang mangyari. Pero kinakabahan kasi ako kapag nagkaharap-harap na kaming tatlo. I mean, oo hindi niya makikita si Alexander pero mararamdaman niya ito. Parang nanindig ang balahibo ko sa naisip ngayon-ngayon lang.

"Please?" She added.

"Oo naman." Tipid na pagpayag ko. Para makabawi na rin.

Zhem genuinely smiled. "Thank you."

Humiwalay na ako ng daan pagkatapos no'n. Umuwi akong matamlay ngunit nang makasalubong si Nanay na pauwi pa lang ay umakto akong normal.

"Sa'n ka pumunta, Nay?"

"Namalengke lang." Aniya at ipinakita pa ang mga plastic na dala.

Agad ko naman iyong kinuha sa kamay niya saka sumabay papasok ng bahay.

"May nakuha na palang bahay ang papa mo doon sa Manila. Baka raw sa susunod doon na tayo tumira kasama siya." Biglang kwento ni Nanay.

Marami-rami na rin siguro ang naipon ni Papa sa trabaho niya. Dati kasi ay rumerenta lang siya para may mauwian.

Inilapag ko sa mesa ang mga pinamili bago nilingon si Nanay.

"Talaga po?" Kunwari ay masaya kong sambit.

Hindi ako gaanong masaya kasi pakiramdam ko may maiiwan ako sa lugar na 'to.

Mga alaala siguro.

"Oo. Baka doon ka na rin magtapos ng senior mo."

"Ah, gano'n po ba?" Halos ibulong ko na lang iyon sa hangin.

Nagpaalam lang akong aakyat na sa kwarto para makapagpalit ng damit. Pero hindi na ako nakababa pa matapos no'n. Para akong nilamon ng pag-iisip sa mga bagay-bagay. Tila ba hinahanap ko sa kisame ang kasagutan sa mga tanong na nabubuo sa isip ko.

Kung tutuusin, pabor din sa akin ang paglipat doon. Para mas mapadali ang pag-usad ko. Natatakot kasi akong kapag tumagal pa ay mahulog na ako nang sobrang lalim. 'Yung tipong hindi na makakaahon pabalik. 'Yon ang ayaw kong mangyari.

Let's just forget everything and move forward.

Tama, dapat nga siguro ay ganoon na lang ang gawin ko. Ang hirap naman kasi, first time ko kaya ma-inlove. Masaklap pa kasi sa maling oras at maling tao-o kaluluwa.

Tumawa ako. Na-realize ko lang na baka nabaliw na nga talaga ako kaya ganito. Iniisip ko ang isang patay na kasi may gusto ako sa kaniya. Ang weird talaga.

Nakatanggap ako ng isang tawag kaya kinuha ko ang phone upang sagutin iyon. Galing kay Zhem.

"Uhm, hello?"

My Spirit Man Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon