Kabanata 2: Favor

669 81 47
                                    

Gab's point of view

Sumakit na lang ang ulo ko kapapakinig sa mga sinasabi nitong isang 'to. Marami pa akong schoolworks kaya naman wala akong oras para sa ibang bagay. Mabuti sana kung ikayayaman ko ang paglalakad namin sa labas ni Kuyang ghost katulad ng request niya.

"Busy pa ako, multo. Mamaya ka na mangulit 'pag tulog na 'ko." Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko pero nagpatuloy lang ako sa pagsusulat sa kuwaderno.

"E paano kita makakausap no'n kung tulog ka na?"

"Gamit ang common sense." Sarkastikong sagot ko.

Pinag-krus niya ang mga braso at ramdam kong tinititigan niya na naman ako. "Ayaw mo ba talaga akong kausap?"

"Hindi naman, pero parang gano'n na ren. Depende sa pagkakaintindi mo."

"That's so rude, Miss."

"And what you're doing is illegal, Mister. Hindi ka lang pumasok sa bahay namin kundi sa kuwarto ko mismo." Sinaglitan ko siya ng tingin nang sabihin iyon.

Natahimik tuloy siya. "What's the point? Multo naman na ako hindi ba?" Taka niyang tanong.

Umisip naman ako ng ipambabalik na sagot. Pero sa huli ay iling na lang ang nagawa ko. Pagod na ko para sa susunod pang banat niya kung magsasalita pa 'ko.

"Help me. Then I will stop bothering you." Napatigil ako sa pagsusulat at mataman siyang sinuri.

Mukhang hindi naman siya nagbibiro. Siguro ito talaga ang gusto niya simula pa lang, ang tulungan ko siya.

"Pagod na ako. Saka mo na ako kulitin, please?" I begged.

"Pero tutulungan mo ako, 'di ba?"

Napapipikit akong humugot ng hininga. "Pag-iisipan ko. Sa ngayon, hayaan mo muna akong magpahinga. Okay?" Inayos ko ang mga gamit sa bag at pumunta na sa banyo para magsipilyo.

Matapos naman no'n ay bumalik na ako sa kama pero nagulat na lang nang makitang hindi pa rin siya umaalis.

"Ba't andito ka pa?"

"Ha? Bakit? Hahayaan na nga kitang magpahinga e. Ayaw mo pa?" Natawa ako ng sarkastiko.

Hanep din sa lakas ng loob ang isang 'to.

"Wow ha? Parang ako pa ang pinagbigyan mo ng choice sa sinabi mo."

"Totoo naman ah? Sige na, matulog ka na at hindi na ako mangungulit." Umayos siya sa pagkakaupong indian sit bago pinag-krus ang mga braso.

"Magtigil ka, lalake. Labas." Nauubusan ng pasensya kong utos.

Hindi naman ito nagpatinag kaya sapilitan ko siyang itinayo at itinulak palabas ng pinto. Pero ilang segundo lang ay nakapasok na naman siya. Tumagos lang naman ito sa pinto.

Yawa. Multo nga pala siya. Ugh!

"Dito na lang ako, please. Hindi naman kita iistorbohin e. Promise." Itinaas niya pa ang kaliwang kamay. "Ay mali, promise." Ngayon ay kanan na ang itinaas niya.

Hindi talaga puwede dahil sanay akong natutulog na walang suot na bra! E 'di makikita niya akong gawin 'yon? Naknampucha naman, kapatid!

Naiinis na napapikit ako. "Si.ge." mabagal kong pagpayag. "Basta 'wag mo akong gagalawin ng kahit kaunti at baka hindi kita matantya. Tsk!" Padabog akong bumalik sa kama.

My Spirit Man Where stories live. Discover now