Kabanata 15: Sembreak

316 32 38
                                    

WARNING: Baka langgamin kayo sa part na 'to, o puwede ring ma-cringe. Sa susunod na mga chapter kasi ay hindi na 'to mauulit. *Evil laugh* So, ayon lang. Goodluck!

Gab's point of view

"Saan ka nanggaling?" Bungad ni Nanay nang makababa ako. Kakain na kasi sana ako e.

"Sa ano po...sa—" napahinto ako.

Bumuntong-hininga siya. Parang sobrang disappointed dahil pinag-alala ko na naman siya sa pangalawang pagkakataon. "Hindi ka naman siguro nakipag-usap sa mga kaluluwa, 'di ba?" Umiling agad ako.

Eto na naman. Palagi na lang ganito ang usapan namin ni Nanay kaya madalas na rin akong nine-nerbyos. O baka naman epekto rin 'to ng kape?

"May isinauli lang po ako sa...kaibigan ko."

Totoo namang may nangyaring gano'n pero may mali pa rin talaga. Kasinungalingan na naman.

•••

Kagaya ng madalas ko nang gawin ay binilisan ko ang paglamon. Akala mo nakikipag-unahan ako dahil may pa-premyo sa dulo. Sira ulo.

"Pinagalitan ka ba ulit?"

"Hindi naman." Peke akong natawa.

Hindi naman talaga 'yon nakakatawa. Ang itinawa ko lang ay dahil sobrang laki ko nang sinungaling.

Hindi ko na naitago ang paglamlam ng mukha ko nang makaupo ako sa kama. Ipinatong ko sa magkabilang gilid ang mga kamay saka tumingala sa kisame.

"Okay ka lang?" Napadako ang paningin ko sa kaniya. Nakaupo na naman siya doon sa monoblock na malapit sa pinto.

"Mm. Bakit?"

"You're really bad at hiding things. Halata namang hindi ka okay, itinatanggi mo pa." Umiiling nitong komento.

Napairap tuloy ako. "E bakit kasi itinanong mo pa? Obvious naman na pala tinanong mo pa rin. Tss, may sapak ka talaga." Sarkastiko akong natawa.

"Umaasa kasi akong magsasabi ka ng totoo. Hindi naman masamang makaramdam ng lungkot, mababawasan pa nga 'yan kapag shi-nare mo sa iba e. Ehem." Peke itong umubo. Mukhang pinariringgan ako.

"I-share? Sa 'yo?" Nagulat ako nang walang alinlangan siyang tumango.

Walang hiya talaga.

"Buti naman nakuha mo." Tumayo ito upang lumapit sa 'kin. "Hindi ko alam kung tama ba ang iniisip ko pero...puwede bang 'wag mo na akong iwasan?"

Holy... Ano raw?! Pinagsasasabi nito?!

Naghuramentado ang puso ko sa kaba. Hindi ako ready sa tanong na 'yon! Bigla-bigla talaga ang isang 'to kung magtanong. Bad trip.

Halos mangalay na ako sa pagtingala sa kaniya. Nag-iisip pa rin ako kung ano ang isasagot ko o kung sasagot pa ba.

"Ha?" 'Yan na lang yata ang available na salita sa mga oras na 'to. Ugh!

Umayos ako ng upo nang matawa ito. "Anong itsura 'yan?" Pang-aasar niya bago umupo sa tabi ko--sa tabi ko?!

Para akong napaso nang magdikit ang mga balat namin. Napaiwas agad ako at umusog nang kaunti.

Sira na yata ang ulo nito e.

Sa kaliwang parte ko siya naupo kaya halos mahulog  na ako sa kama kauusog. Aahh! Ano bang nangyayari sa 'kin?!

My Spirit Man Where stories live. Discover now