Kabanata 3: Kiss of help

535 70 23
                                    

Gab's point of view

"Sa'n ka galing, Gab?" Salubong ni Nanay.

Agad naman akong nag-isip ng palusot. "May ihinatid lang pong gamit sa classmate ko." Peke pa akong ngumiti.

"Hindi ka pala nagpaalam?" Bulong ng katabi ko.

Mukha namang naniwala si Nanay kaya pinaupo niya muna ako sa sala. May kung ano siyang pinuntahan sa kusina bago bumalik.

"Kumain ka na muna, baka napagod ka sa ginawa mo."

Sa tono ng pananalita ni Nanay ay parang may nalalaman siya sa ginawa ko. Parang gusto niyang mapiga ako at magsabi ng totoo.

"Gab, kung ano man ang madalas mong ginagawa sa gabi ay mag-iingat ka ha? Hindi mo kilala ang mga kinasasamahan mo." Babala niya.

Siya nga pala ang lola ko. Nanay ang tawag ko sa kaniya dahil siya naman na ang nagpalaki sa 'kin. Ang tunay ko namang ina ay wala na akong balita. Sabi nila ay nagtrabaho ito sa ibang bansa pero tingnan niyo naman, hindi na ako binalikan. Bata pa lang ako hindi ko na siya nakita.

Agad kong pinigil ang paghinga. Kinakabahan kasi ako. Akala ko ay hindi ako mahuhuli ni Nanay sa mga ganito pero nagkamali ako.

"Mag-iingat po ako, Nay. 'Wag po kayong mag-alala." Nginitian ko siya nang tunay upang hindi na mag-alala pa.

"Sana ay 'wag mong pabayaang maabuso ka ng iba. Kapag nahihirapan ka na ay pwede ka namang huminto." Parang tumigil ang oras.

Simula bata ay hindi ako nagtangkang magkwento tungkol sa mga nakikita ko kay Nanay. Baka kasi isipin niyang may deperensya ako sa pag-iisip tapos ipamigay niya ako sa iba. Pero talagang mali ang inakala ko. Siguro ay katulad ko, may nalalaman din siya sa kung anong katangian ang meron ako ngayon. Nakakaramdam din kaya siya ng mga espiritu?

"Gagawin ko po ang sinabi niyo, Nay." Sinimulan ko nang kumain at iniwasan ang presensya ni Alexander.

Pansin ko kasing panay ang tingin ni Nanay kung saan siya nakapwesto. Umakto lang ako ng natural. Mahirap na, baka mabuko pa ako.

Tinapos ko agad ang pagkain bago inilagay ang plato sa lababo. "Matutulog na po ako. Goodnight." Nagmano pa muna ako bago umakyat sa kuwarto.

Bumagsak ang mga balikat ko habang inaalala ang mga sinabi ni Nanay. Tama naman siya, kapag nahihirapan na ako ay pwede naman akong huminto. Pero hindi kasi 'yon gano'n kadali. Hangga't hindi sila nakakaalis sa mundong 'to ay hindi rin sila titigil sa pangungulit sa 'kin. Sa gano'ng estado ay mauuwi pa rin ako sa pagtulong sa kanila. Oh 'di ba? Parang sumpa lang talaga. Sumpang imposible nang alisin kundi ay gamitin na lang. Since nasimulan ko na rin naman, might as well ay tapusin ko na.

Paulit-ulit lang 'yong nangyayari kaya para na akong preso. Presong sobra sa trabaho, pero wala namang sinu-sweldo.

Sabagay, kailan ba nagkaroon ng sweldo ang preso?

"Nararamdaman ba ako ng lola mo?" Dahil nakatalikod ay hinarap ko siya. "Para kasing nakikita niya ako kanina e. Ang weird lang." Umupo siya sa monoblock sa gilid. Malapit 'yon sa pinto.

"Siguro. Pansin ko rin naman." Pagsasabi ko ng totoo.

Naupo ako sa kama at mataman siyang sinuri. "Bakit?" Napansin niya yatang nakatitig ako.

"Bakit ka nga pala naka-pajama?"

Kung ano ang huling isinuot ng namatay ay 'yun din ang makikita ko sa kanila. May pumasok na idea sa utak ko kaya paulit-ulit akong napatango.

My Spirit Man Onde as histórias ganham vida. Descobre agora