Kabanata 11: Threat

335 42 14
                                    

WARNING: Rated SPG. (15+) May mababasa kayong mahahalay na eksena kaya ihanda niyo na ang sarili. (•‿•)

Gab's point of view

Sumapit ang kinabukasan. Pumasok akong puro alalahanin ang nasa isip. Hindi na ako tinantanan noong nangyari kagabi sa pag-uusap namin no'ng bad spirit. Mayroon sa aking naiinis at mayroon din namang natatakot. Para niya akong fine-frame up sa gusto niyang mangyari.

"Ayos ka lang? Kanina ka pa nakatulala ah? May spirit ba sa sahig? Ba't wala naman akong maramdaman?" Sunod-sunod ang naging pagtatanong ni Zhem.

Nagbalik naman ako sa realidad kaya hinarap ko na siya.

"Wala." Mahina akong natawa kunwari. "'Yung report ang iniisip ko." Palusot ko na lang.

"Ows? Hindi nga?"

"Oo nga. Saka kulang din ang tulog ko kaya natutulala na lang ako bigla." 'Yon, totoo 'yon.

"Okay. Sabi mo e." Bumalik na lamang ito sa pagkalikot ng phone.

Ako naman ay napaisip na naman kung ano ba ang dapat kong gawin sa babaeng 'yon. Kapal ng mukha. Hihingi na nga lang ng tulong namimilit pa. Papayag pa sana ako kung mabait siyang espiritu e. Kaya lang ay hindi.

Kahit magulo ang isip ay nakinig naman ako sa klase. Nang dumating naman ang breaktime ay sumama ako kina Zhem.

"'Di pa rin maka-move on sa debut mo, Zhem. Ang dami ko sanang gustong kainin no'n kaya lang baka tumaba ako." Animo'y nagsusumbong na sabi ni Myra.

Natawa ang dalawang nakikinig na sina Zhem at Jake. Ako naman ay busy lang sa pagnguya ng pagkain ko.

Nagpatuloy sila sa pagku-kuwentuhan. Minsan ay nakikiusyoso rin naman ako pero mayamaya ay babalik na naman sa pag-iisip. Parang gamit na gamit tuloy ang utak ko ngayong araw. Kailangan kong ipahinga 'to pag-uwi.

•••

"Ingat kayo!" Kinawayan ko silang lahat dahil dumating na ang kaniya-kaniya nilang sundo.

"Ingat din!" Kay Zhem na lang ang narinig ko dahil nakaalis na ang dalawa.

Tumalikod na ako upang lumakad pauwi. Bumagsak ang nakangiti kong mga labi dahil sa pagod. Hindi lang dahil sa pisikal na pagod kundi pagod na rin kakaisip.

Hinawakan ko ang dalawang strap ng bag ko habang nakatungo sa lapag. Sinisipa-sipa ko ang mga bato, kalat, dahon na makikita ko.

"Nakakainis na sumpa 'to. Bakit kailangang sa 'kin pa 'to mapunta?"

Ngayon lang ako nainis sa kung anong meron ako. Malamang ay ngayon ko lang rin kasi nare-realize ang mga delikadong bagay na ayaw ko nang gawin.

Ang kuwento niya sa akin ay dalawang lalaki ang nanggahasa sa kaniya. Paano ko naman siya tutulungan sa gano'n? Tatawag ako ng pulis? Tapos ano? Sasabihin ko ikulong ang mga 'yon dahil ni-rape nila ang multong nakikita ko? Hindi ba ako magmu-mukhang hibang no'n?

Argh! Masisira na yata ang ulo ko.

Malapit na ako sa eskinita kung saan palagi akong nakasasagupa ng mga elemento. Bumagal ang lakad ko nang makaramdam ng kakaiba. Bumigat bigla ang pakiramdam ko. Tipid akong nagpalinga-linga sa kaliwa't kanan kong parte.

Huminga ako nang maluwag nang walang makita. Tumuloy ako sa paglalakad ngunit napahinto na naman sa kakaibang naramdaman sa kanan kong balikat. May humawak doon. At alam kong hindi 'yon tao.

My Spirit Man Where stories live. Discover now