Kabanata 17: Alexander

285 30 32
                                    

Zhem's point of view

Halos punuin ko na ang bag ko ng mga susuoting damit kina Gab. Alam ko namang hindi ako magtatagal do'n pero in case lang. Malay mo, magbago pa isip nila at payagan na ako ro'n ng isang linggo. In case lang talaga.

Siguro alas otso pa lang ay magpapahatid na ako kay Kuya Tony. Marami kasi akong plano sa pags-stay doon. Sana nga lang ay pumayag siya. Baka imbis na sleep over ay kabaliktaran ang mangyari. Sleep is not important tomorrow.

"Zhem." May katok akong narinig sa pinto.

Iniwan ko muna ang itinutuping damit tapos ay lumakad palapit upang buksan 'yon. "Why?"

"I just want to let you know that I will be the one to take you there. Baka kung saan ka pa magpahatid kasama si Gabrien e." Rumolyo na lang ang mga mata ko bago humalukipkip.

"Talaga ba, Kuya? Baka naman gusto mo lang din makita si Gab?" A smirk formed from my lips. Tinaasan niya naman ako ng isang kilay. Ayan na, magagalit na 'yan.

"Don't start with me." Aniya bago umalis.

Nye nye, ewan ko sa 'yo, Kuya.

Alam niyo ba, I'm thinking about this recently. Kuya was always there when Gab needed some help. Kagaya na lang no'ng debut ko, kahit kaya ko namang samahan si Gab pauwi, he still insisted na siya na lang. Tapos nung muntik nang magahasa si Gab, he's still there! So, that's why I teased him earlier. Baka lang kumagat sa pain at umamin.

I grinned. Something's happening here.

Saglit ko muna 'yong inalis sa utak ko para ipagpatuloy ang pagtutupi. Kinalahati ko na lang ang laman dahil baka magtaka rin si Kuya.

Ang bagal ng oras, hinihintay ko na lang talagang gumabi para pasalamatan din sina Mom dahil pinayagan nila ako. I swear, may kaunting disagreement 'yong mga 'yon pero dahil naging mabait naman ako, hindi na sila nakatanggi.

'Yun talaga ang purpose ng pagpapakabait ko, although, mabait naman na talaga ako. Mas naging behave lang.

"No night outs, understood? Alam kong nasa tamang edad ka na pero hindi pa rin puwede. Hindi naman 'yon okasyon kaya bawal ka munang uminom." Mom reminded.

As if naman na iinom ako with Gab, 'no? Underage pa siya, kulang pa ng isang taon para sa pag-iinom. Medyo sumabit lang nung debut ko. Na-curious yata.

Natawa ako sa isip ko. "I know, Mom. Responsible ako, don't worry." I heard her left out a sigh.

Si Dad naman ay may kinuha sa wallet niya para iabot sa 'kin. Credit card?

"What for, Dad? May pera pa ako."

Umiling ito. "Just take it. Hindi ko naman sinabing ubusin mo ang laman niyan pero baka lang may matipuhan kayong kainin, then, just use that." I smiled at him.

"Thanks, Dad." Humalik muna ako sa pisngi nilang pareho bago isinara ang pinto.

Nakangiti kong kinuha ang phone sa side table. Umupo ako sa kama upang i-message muna si Gab. Ii-inform ko lang kung anong oras ako darating para naman hindi ko siya magulat.

Gab: Sige. See you tom.

Me: Okay! :>

Humiga na ako sa kama upang matulog. Alas onse na rin kasi.

•••

As soon as my alarm sounded, I casually got off the bed. Kinusot-kusot ko ang mga mata para naman magising na ako nang tuluyan. Humikab ako bago bagsak ang balikat na pumunta sa banyo para maghilamos.

My Spirit Man Where stories live. Discover now