Prologue

1.4K 57 2
                                    

Rainy season na naman

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Rainy season na naman. Naninibago pa rin ako sa environment ko gayong dalawang taon na kami rito simula nang iwan namin ang dati naming tinitirahan.

"May gawa ka na sa project?" usal ng katabi ko.

There's something with the way she speak today. Nakaiinis din pati ang paraan ng pagngiti niya sa 'kin.

Sasagot na sana ako nang mapansing hindi siya ang dati kong kaklase. Ibang tao siya. May naroon sa katawan niyang ibang kaluluwa. In short, she's possessed by a spirit.

Mabilis na tumayo ako upang makalayo na sa kaniya. Suwerte ko at break time pa rin. Puwede pang lumabas ng school. Kaunti lang naman ang ambon kaya sinuong ko na.

Although, meron na lang akong 20 minutes. Pero ayos na rin, basta makalayo ako sa kaniya.

Sa pagmamadali ko ay hindi ko na namalayan na ibang direksyon na ang napuntahan ko. Masyadong sinakop ng kaba ang katawan ko kanina kaya hindi ko na napansin. Papunta na ang daan na ito sa sementeryo.

Lumiko agad ako ng daan para makalayo naman doon. Pakiramdam ko kusa nang lumalapit sa akin ang nakaraan na ibinaon ko sa hukay.

Lumipat kami rito para makapamuhay nang normal. Ipinasok ko sa isip ko na wala akong kakayahan na makakita o makapangusap sa mga espiritu, para na rin hindi na ako matawag na wirdo.

"Watch out!" bulyaw ng kung sino.

Nagbalik ako sa ulirat nang muntik na akong mahagip ng kotse kung hindi lang ako hinatak ng isang nilalang.

Tumalbog sa kaba ang puso ko matapos no'n. Akala ko oras ko na talaga. Lasing yata ang nagmamaneho, e, nasa gilid naman ako.

"Hey, are you alright?" paninipat ng lalaki sa akin. Pamilyar ang kaniyang porma.

He is also wearing the same uniform from my school. Anong course kaya siya?

Dahil halos nakayakap na ako sa kaniya ay mabilis kong inilayo ang aking katawan, kabado pa rin.

"A-Ayos lang naman. Sa...salamat," bumaba ang tingin ko.

I look so weak...and also weird, like before. Walang nagbago sa 'kin.

Aalis na sana ako nang pahintuin ako ng pagtawag niya.

"Wait, Gabrien..."

Paanong?

Shock is now visible to my face. Ngayon lang kami nagkita pero kilala niya na ako agad? Ako nga ay hindi alam ang pangalan niya, e.

When I turned again, nakangiti na siya.

"Why? Isn't that your name? I saw it on your plate," tukoy niya sa name plate ko.

Napa-'ah' na lang ako nang makuha ang point niya. Kaya naman pala.

"May kailangan ka ba?" tanong ko.

"Have we met before?" tumaas ang mga kilay ko.

Maski ako ay napaisip sa sinabi niya. Totoong mayroon akong napapansing kakaiba sa kaniya kanina. Parang nakilala ko na siya noon. Pero ayokong tanggapin sa sarili ko.

Could it be him? But, how?

My Spirit Man Where stories live. Discover now