Kabanata 24: Thank you

270 26 10
                                    

Zhem's point of view

I hate her. Akala ko pa naman ay kaibigan ko siya at gano'n din ang turing niya sa 'kin. Sana ay matagal niya nang sinabi na she can see Alexander. Hindi 'yung pinatagal niya pa. Hindi kung kailan ilang linggo na lang simula ngayon ay tuluyan na siyang mawawala.

"Eat up." Utos ni Kuya nang mapansing nakatulala lang ako sa aking plato.

Kumain na ako matapos no'n. Hindi ko na dapat siya iniisip.

Ilang raw na rin akong iwas sa kaniya. Pati sina Myra nadadamay sa pagiging aloof ko kay Gab. Kinakausap ko pa naman sila, but if needed lang.

I also went back to my seat which is sa tabi ni Myra. Ayoko nang tabihan si Gab after ng nangyari dun sa ospital. Nawalan ako ng tiwala sa kaniya.

"Zhem." Myra called.

"Bakit?"

"Ayaw mo na ba talagang makipag-ayos kay Gab?"

Mabilis na nag-iba ang ekspresyon ng mukha ko sa narinig.

"Don't mention her." Tipid na utos ko lang saka bumalik sa pagsusulat.

Pansin ko rin ang pagsulyap ni Jake nang marinig ang sinabi ni Myra. Wala naman silang nagawa bukod sa asikasuhin na lang ang kaniya-kaniyang gawain.

I'll let this cool down first. Kaya pa namang magbago ng isip ko para makipagbati sa kaniya, e. I still see her as a classmate, though.

Nang mag-uwian ay dire-diretso lang akong lumabas hanggang sa parking lot kung saan naghihintay si Kuya Tony.

"Kumusta kayo ni Gabrien?" Salubong ni Kuya kaya pinangunutan ko siya ng noo.

"Why? Do our problem concern you?" Masungit na sagot ko naman.

Kuya just left without a word. Ano ba kasi ang pakialam niya ro'n?

Kumain lang ako nang mabilis saka pumunta sa ospital. Palagi naman na akong ganito. Simula nung sabihin ni Tita na she'll end Alexander's sufferings.

Pakiramdam ko ay bawat segundo mahalaga lalo na't bago matapos ang buwan ng Nobyembre ay aalis na siya. Hindi ko na ulit siya makikita pa.

"Ang Kuya Zale mo?" Sipat agad ni Tita nang makitang mag-isa lang akong dumalaw.

"Uh, busy po, e. Don't worry, bukas po I'll bring Kuya with me." Palusot ko na lang.

Ang totoo kasi ay iniwan ko talaga siya ro'n. Naiinis ako sa pangingialam niya sa sitwasyon namin ni Gab ngayon. Dapat ay alisin niya na lang 'yon sa isip niya dahil hindi naman 'yon gaanong importante.

[Gab's point of view]

Pagod na sumampa ako sa kama. Bagay na madalas ko nang gawin dahil nakakapagod ang bawat araw sa school. Bukod sa physical ay pati na rin sa emotional.

Hahayaan ko muna si Zhem na lumipas ang sama ng loob niya bago ko siya kausapin.

"Still thinking about her?" Sumingit si Alexander sa pag-iisip ko.

Bumangon ako saka itinaas ang dalawa kong kilay sa kaniya.

"I told you, just mind yourself instead of her. She'll do no good to your life." Dagdag niya kaya napangiwi ako.

"Grabe ka naman."

"Walang grabe sa pagsasabi ng totoo. Tingnan mo ngayon, dapat studies lang ang inaatupag mo pero isinisingit mo pa siya sa isip mo kahit hindi naman dapat." Seryosong aniya kaya napabuga na lang ako sa hangin.

My Spirit Man Where stories live. Discover now