Kabanata 18: Tell me

278 23 25
                                    

Gab's point of view

His body was in front of me now. Pero bakit hindi ako makaramdam ng saya?

"How did you..." Kinabahan ako lalo nang magtanong si Zhem. Gulat ito dahil sa narinig.

Bakit ko ba kasi nasabi 'yon? "A-Ah, nung nakaraang mga araw kasi nakita kong madalas mong isinusulat ang pangalang Alexander sa notebook mo. Kaya, nahulaan ko 'yung pangalan niya?" Patanong kong sagot.

Oo, madalas ko nga 'yong nakikita. Pero dahil hindi naman ako sigurado kung sinong Alexander ang tinutukoy no'n, hindi ko na pinagtuunan ng pansin.

Ewan ko rin sa sarili ko't hindi ko natunugan ang isang 'yon.

"Gano'n na ba 'ko ka-obvious?" Bulong niya sa sarili. "But anyway, you're right. His name is Alexander. Kababata ko siya at sobrang close talaga kami since then."

Sobrang close? Sila ba?

"Bo...Boyfriend?" I asked. Ang kapal din ng mukha kong magtanong.

She slowly shook her head. "Hindi. Siguro, papunta na ro'n... Kung hindi lang 'to nangyari." Lumamlam hindi lang ang kaniyang mukha kundi pati na ang boses.

I'm speechless.

Kaya pala. Kaya pala gusto niyang makakita rin ng mga kaluluwa. Para dito siguro 'yon. I get it now.

Marahan kong tinapunan ng tingin ang katawan ni Alexander. Malayo sa nakikita ko, namamayat na ang katawan nito at malalim na rin ang mga mata. Nangingitim pa.

Pero ang nakaagaw talaga ng atensyon ko ay ang makina sa tabi nito. He is already dead. Makina na lamang ang nagpapanatili sa kaniyang katawan. Ngunit sa nakikita ko ay hindi na tumutugon ang katawan nito upang maka-recover man lang.

Doon ako nagkaroon ng idea. Kaya siguro hindi pa siya nakaaalis. Hindi pa kasi bumibitaw ang mga tao sa paligid niya't umaasa pa sa paggaling at paggising nito. Ang nakakapagtaka lang, bakit wala siyang maalala? Posible bang kahit kaluluwa na lang ay makuha pa rin ang sakit?

"Zhem?" Biglang may sumulpot na ginang.

Medyo nanlaki ang mga mata ko nang mamukhaan ito. Nanay yata ito ni Alexander base sa naaalala ko.

Pinagtak'han niya ang presensya ko kaya nakaramdam ako ng hiya. Mayamaya pa ay sumagot din si Zhem at lumapit.

"Tita," bumeso ito sa ginang ngunit ang tingin ng ginang ay wala kay Zhem kundi nasa akin.

"Anong ginagawa mo rito? At sino itong kasama mo?" Para naman akong naalerto at bigla na lang nagpakilala.

"Ako po si Gabrien, kaibigan po ako ni Zhem." Sabi ko habang tumutungo pa.

Napatango ito saka hinarap si Zhem. "What are you doing here? Kasama mo rin ba si Zale?"

"Hindi po. Actually, magsi-sleep over po ako sa kanila kaya kasama ko po siya ngayon. Namasyal lang po kami saglit bago isinama ko na siya rito." Lumapit ito sa tenga ng ginang upang bumulong. "She can also communicate to spirits, Tita. But unlike me, she has the ability to see them." Aniya bago ako nilingon.

"Is that true?"

"Uh, gano'n na nga po." Tumatangong sagot ko pa.

I can't look straight into her eyes. Parang nakikita ko kasi si Alexander. Magkahawig talaga sila sa mga mata.

My Spirit Man Donde viven las historias. Descúbrelo ahora