Kabanata 1: Simula

1K 77 42
                                    

Gab's point of view

Kasalukuyan akong naglalakad sa gitna ng malamig na gabi. Rinig at ramdam ko ang mga kuliglig na nagsisilbing ingay sa paligid. Pinagmasdan ko ang gubat na tinatahak bago sinulyapan ang katabi.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" Ngunit hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. Napalabi tuloy ako.

"Basta malapit na. Just wait and see." Kalmado niyang turan.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa huminto siya. Huminto rin naman ako dahil sa itinuro niya sa ibaba.

"Diyan nila ako inilibing." Natulala siya nang tingnan ang lupa.

Pinagmasdan ko iyon nang mabuti bago hinarap ang kausap. "Sigurado ka bang diyan talaga? E halos tigang na ang lupa e." Napakunot ako ng noo.

Baka naman nagkakamali lamang siya ng itinurong lugar.

Pansin kong umiling ito sa akin. "Hindi. Sigurado akong iyan 'yon. Diyan nila ako inilibing at nagsasabi ako ng totoo." Pansin ko ang pangingilid ng kaniyang luha.

Napabuntong-hininga ako. "Alright. Sira na nga iyang mukha mo iiyak ka pa. Sige na, naniniwala na 'ko." Agad akong naghukay gamit ang pala na dinala ko para rito. Nagsuot na rin ako ng gloves upang hindi makapag-iwan ng finger prints.

Sinimulan kong maghukay kahit na matigas ang lupa. Sobrang tagal na siguro simula nang mailibing ang bangkay niya rito kaya ganito.

Matapos kong maghukay ng halos kalahating oras ay natunton ko na ang kaniyang bungo. Napatakip ako sa aking ilong nang umalingasaw ang nakasusulasok na amoy. Patapon kong inilapag ang pala bago umatras nang kaunti.

Humagulgol siya sa nakita. Marahil ay hindi pa rin siya makapaniwalang ito ang inabot ng kaniyang bangkay.

"Tatawag na ako sa mga pulis. Sana tapos na ako sa pagtulong sa 'yo." Nginitian ko siya nang bahagya.

Humarap naman ito sa akin at niyakap ako. Nanigas ang katawan ko sa pag-aakalang malalagyan ako ng kaniyang dugo pero hindi naman iyon nagmarka. Multo na nga pala siya. Hinaplos ko pa ang likod niyang puno ng saksak bago kumalas sa yakap.

"Maraming salamat, Gab. Ngayon ay matatahimik na ako nang tuluyan." Ngumiti ito sa akin bago tuluyang naglaho.

'Yun lang talaga ang hangad niya, ang magkaroon ng mapayapang wakas para sa kaniyang katawang lupa. Masaklap nga lang at buto na lang ang natira.

Suminghap ako ng hangin na sana ay hindi ko na lang ginawa dahil nanuot sa ilong ko ang amoy. Yawa!

Inilabas ko ang de-pindot na cellphone bago tinawagan ang mga pulis patungkol sa kaso ni Elise. Medyo nahirapan ako sa paghahanap ng signal dahil kakaunti lang ang mga bahay na malapit kaya naman ilang minuto pa ang itinagal ko roon. Sa huli ay nagawa ko na ang trabaho ko kaya iniwan ko na sa hukay ang phone.

Panigurado kasing ita-track iyon ng mga pulis lalo na't hindi ako nagpakilala. Hindi puwedeng ako ang maabutan nila ro'n. Mamaya masisi pa ako.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para maghanda sa pagpasok.

"Alis na po ako, Nay!" Sigaw ko kay Nanay na busy sa paglalaba sa banyo.

"Ingat ha?"

"Opo."

Lumandas na ako papunta sa paaralan. Umupo ako sa dati kong pwesto at tahimik na pinakinggan ang bulungan sa paligid.

My Spirit Man Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon