Kabanata 13: Almost

286 39 7
                                    

Gab's point of view

Parang panaginip lang ang nangyari. Hindi pa rin ako makapaniwalang muntik-muntikan na akong magaha—

Ayoko na isipin!

Kanina pa ako nakatulala sa paanan ko. Nasa isang hospital bed ako ngayon mag-isa. Wala naman akong tinamong malalang sugat pero dinala pa rin ako dito ng Kuya ni Zhem. Ni hindi pa nga ako nakapagpapasalamat.

Sinabi niya rin pala saking isinumbong niya na sa pulisya ang tungkol sa dalawang lalaki kanina. Mag-ready raw ako dahil baka magkaroon ng interogasyon sa aming dalawa dahil hindi naman talaga 'yon malabong mangyari.

Isinandal ko nang maayos ang likod sa mataas na uluhan. Iniisip ko na ngayon kung ano ang sasabihin ko kay Nanay pag-uwi. Malamang nag-aalala na 'yon dahil malapit na ring maghatinggabi. Kahit isang text message man lang ay hindi ko pa nagagawang ipahatid kay Nanay dahil lowbatt na rin ang phone ko.

Napaka-selfish ko kasi.

Sarili ko na lang palagi ang iniisip ko sa mga bagay na ganito. Pakiramdam ko ay dapat na ako lang ang gumawa ng aksyon at hindi na sakop ang simpatya ng iba.

Nanlulumong napapikit na lang ako. Ilang segundo pa ang lumipas ay may pumasok sa silid. Dumapo ang paningin ko ro'n upang makita lamang ang Kuya ni Zhem.

"Gusto mo bang tawagan ko ang mga magulang mo?"

Hindi puwede. Lalong mag-aalala 'yon.

Mabilis akong umiling. "Hindi na po. Uhm, puwede na po ba akong makauwi?"

Lumapit naman siya sa kama ko at doon ako sinuri. "Kung maayos na ang pakiramdam mo. Ihahatid ka na lang namin sa--"

"Naku, hindi na po. Mamamasahe na lang ako."

Sana kayanin pa ng pera ko.

"If you want to go home, ihahatid ka na lang namin. Hindi naman kita puwedeng pabayaan na lang na parang walang nangyari."

Ano nang gagawin ko? Sobrang hiya na ang nararamdaman ko lalo na't hindi siya pumapayag na makauwi ako mag-isa.

Napahimas na lang ako sa leeg gamit ang kanang kamay. "Thank you, ah?" Bigla ko na lang iyon nasabi.

Umangat naman ang dalawang kilay nito, mukhang nagtataka pa. "Ahh." Mahina itong natawa. "About the thing earlier? Ayos lang, no problem. Kaya mo na bang tumayo?"

Tango agad ang naibalik ko. "Opo." Awkward pa akong napangiti. Inalis ko ang nakatalukbong na kumot bago bumaba ng kama.

Tuluyan na nga kaming lumabas sa kuwartong iyon. Ngayon ay namo-mroblema naman ako kung saan ako kukuha ng ipambabayad sa kaniya. Para akong isang pasanin na napulot lang sa tabi-tabi. Nakakahiya.

"Ah, Kuya. Okay lang ba kung sa susunod na lang kita bayaran?"

Pinangunutan naman ako nito ng noo. "May hiningi ba ako? 'Wag mo nang isipin 'yon. Ang mahalaga makauwi kang maayos."

Woah, bakit ngayon ko lang nakitang mabait naman pala siya?

Nung debut kasi ni Zhem iba 'yung ugali niya. Malayo sa ipinapakita niya ngayon.

"Nga pala, okay na po ba 'yung sugat...niyo?" Mabagal ko pang itinuro ang kaliwang tagiliran niya.

Huminto ito sa paglalakad at napatingin siya ro'n. Tumapat siya sa akin upang magpakita ng bahagyang ngiti. "The cut's not that deep. Also, don't be so formal. Just call me Zale."

My Spirit Man Where stories live. Discover now