Kabanata 28: Fortune Teller

269 20 8
                                    

Gab's point of view

Ilang araw na ang dumaan matapos nung nangyari. Lagi ko na ring nakikita 'yong lalaki dahil sa school lang din namin siya nag-aaral. No'ng second semester lang yata lumipat base sa narinig ko.

"Kayo ba ni Felix?" mula sa pagtulala ay napalingon ako kay Faye.

Breaktime na namin at kasalukuyan kaming kumakain sa cafeteria. Dalawa lang kami kasi absent sina Dahlia. Hindi naman gano'n karami ang ka-close ko rito, mga apat o tatlo lang. Although, friendly naman ang karamihan sa kanila.

"K-Kami? Uh-hindi, fake rumors," I said while avoiding her gaze.

"Weh? Sure 'yan? Usap-usapan kasi kayo sa gc simula pa nung nakaraang araw."

Muli na naman akong napalingon sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata. Wala akong kaalam-alam dahil hindi naman ako nagbabasa ng mga pinag-uusapan nila sa group chat. Malay ko bang ako na pala. Argh! Ito na naman.

"Love triangle nga raw kayo tapos ikaw 'yung third party," pabiro siyang natawa.

Third party?!

Umusbong ang pagkairita sa loob ko na naging dahilan ng pag-irap ko sa kawalan. Kung naiipit man ako sa gulong 'to ay dahil lang sa lalaking 'yon. Siya ang naglagay sa 'kin sa sitwasyong 'to.

"Sandali lang ah? Restroom lang," paalam ko para makaalis na sa eksena.

Walang ibang tao roon kaya nilabas ko na ang inis na kanina ko pa pinipigilan. Napahampas ako sa lababo at gigil na tinitigan ng sarili sa salamin. Naiinis ako hindi dahil sa natatakot akong mapag-usapan sa room o kahit sa buong school pa. Ang ikinaiinis ko ay ang konsensya ko para roon sa babae. Pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan sa lahat kahit sa una pa lang ay hindi naman talaga. Inosente ako!

"Ba't naman ganito?" bulong ko.

Napapikit ako nang mariin bago nagmulat. Pero nang makita ang imahe ng isang babae sa sulok ay bumilis ang tibok ng puso ko. Ginawa ko ang lahat ng makakaya para maiwasang mapadako ang paningin sa kaniya.

"Hmm..." lumapit ito nang paunti-unti.

Kahit hindi nakatingin ay pansin na pansin ko ang marka ng lubid sa leeg nito. Hindi ko alam kung bakit sa halip na umalis ay naestatwa na lang ako.

"Nakikita mo 'ko...hindi ba?" aniya, tila bulong lamang iyon sa tenga ko.

Namutawi ang katahimikan sa loob ng ilang segundo ngunit nang may pumasok na estudyante ay doon lamang ako nagkalakas para lumakad paalis.

Nang makabalik ako ay nagtaka si Faye. "Ba't ang putla mo na?"

"M-Mainit kasi. Oo, mainit," utal kong sagot, kinakabahan pa rin.

Kahit mukhang hindi kumbinsido ay napatango na lang siya bago nagpatuloy sa pagkain.

Sa kabutihang palad ay hindi naman na nagpakita pa ang babae. Bumalik na kami sa room dahil tapos na rin naman ang breaktime.

Lumipas ang ilan pang oras bago dumating ang uwian.

"Gab," Faye called.

Nilingon ko naman siya. "Bakit?"

"P'wede mo ba 'kong samahan?" malawak siyang napangiti.

"Saan?"

"Fortune teller."

I raised my eyebrows after hearing her answer.

"Uhm..." I hesitated.

"Please? Saglit lang tayo," she pleaded while doing puppy eyes. She even clung her hands on mine to force me.

My Spirit Man Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon