Kabanata 9: Am I?

378 50 50
                                    

NOTE: Imagine-in niyo na lang ganiyan ang mga mata ni Gab ha? Hehe. Thank you(≧▽≦)

Gab's point of view

Naging malikot ang mata ko. Hindi ko na alam kung titingin pa ba ako o 'wag na lang. Dumaragdag lang kasi sa kaba ko 'yung tingin ng Kuya ni Zhem. Intimidating.

"Hello? Did you hear me?" Tumuwid ang tindig ko.

"Y-Yeah. Ako nga si Gabrien. May kailangan po ba kayo?"

Mas lalo itong lumapit sa kinaroroonan ko at ako naman ay hindi na mapakali. Pero pinanatili ko ang pagkakatayo nang maayos.

"Ikaw 'yung nabangga ko the other day, right?" Tango lang ang nagawa ko. "I assume you saw my wallet." Tumango na naman ako.

"Actually, hinabol pa kita no'n. Kaya lang nakaalis ka na agad." Bumagal ang pagsasalita ko.

Tumango-tango ito habang inililibot ang paningin sa paligid tapos ay bumalik na naman sa akin.

"Wala ka naman sigurong balak na hindi isauli 'yon, 'di ba?"

Mabilis na napaawang ang bibig ko. "Sobra ka. Hahabulin ba kita kung hindi ko naman pala isasauli? Ibang klase."

Pansin kong todo nood lang si Alexander habang nakasuksok ang magkabilang kamay sa bulsa.

"Malay ko ba kung palabas mo lang pala 'yon." This time ay napangisi na ako.

Hindi ako makapaniwala sa isang 'to.

"Edi sana hindi ka na nagtanong kung hindi ka rin naman pala maniniwala." Inirapan ko siya.

Siya naman ay nanatiling kalmado sa inakto ko sa harap niya. Suminghap ito bago bumuga sa hangin. Walang pasabi itong umalis at bumalik sa loob kung nasaan si Zhem.

Bumagsak ang mga balikat ko. Sobra naman pala sa yabang ang isang 'yon. Buti pa si Zhem mabait. Kabaliktaran siya ng Kuya niya.

"Magkakilala kayo?" Ani Alexander.

Tamad ko naman siyang sinulyapan. "Ano sa tingin mo?"

"Sagutin mo kasi ako. Hindi 'yung tanong din ang ibinabalik mo." Saglit niya akong inirapan.

Ang ayoko ko kasi sa lahat ay 'yung obvious na nga, itinatanong pa.

"Anong klaseng sagot ba ang hinahanap mo?" Nauubusan ng pasensya kong tanong.

Agad naman itong umisip ng kung ano tapos ay ngumisi.

"Mga ano lang... 'Yung katulad kahapon, nung pauwi na tayo." Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig.

Wrong move tayo do'n ah?

Tumakbo na yata palayo ang yabang ko. Bigla na lang akong napipi e.

"Asa. Mamatay ka kakaisip." Huling sabi ko bago siya nilayasan.

Pumasok akong muli sa loob at sinalubong sina Jake at Myra na nagkakatuwaan na kasama sina Mark. Hindi nila ako gaanong pinagtuunan ng pansin kaya umupo na ako bago inabot ang grape juice--ngunit napangiwi na naman ako sa lasa nang maalalang wine nga pala 'yon.

Napaka ulyanin mo naman!

Mataman akong nag-isip.

Hindi naman siguro ako tatamaan sa wine lang 'no? Isa pa, sabi nila ay good for the heart ang mga wine na ganito.

Kaya naman ay mabilis ko iyong tinungga na parang tubig. Mainit sa pakiramdam lalo na't napabilis ang paglagok ko. Pakiramdam ko tuloy lasinggera na ako ngayon.

My Spirit Man Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon