Kabanata 5: Glimpse

394 64 8
                                    

Gab's point of view

Tinakpan ko ang buong mukha ko habang pauwi. Ewan, ang OA pakinggan pero bakit doon nauwi yung first kiss ko? Sa dinami-rami ay sa hindi ko pa kakilala.

"Mababaliw na yata ako nang tuluyan nito." Bulong ko sa kawalan.

Hinayaan kong ma-okupa ang isip ko ng ibang bagay. Inisip ko na lang ang tungkol sa thesis namin nina Zhem. Ang nagawa lang namin noong sabado ay ang introduction. Sabi niya ay maghati na lang daw kami sa gawain. Ako na raw ang bahala sa main body at sina Jake at Myra na sa iba since nasimulan na namin ang first page.

Ang totoo niyan may kaba ako sa sarili ko. Baka kasi mapahiya ako sa kanila dahil nga sa 'wirdo' raw ako. E halos kalahati sa school ay kilala ako sa titulong iyon. Mabuti sana kung ang panel lang ang manonood e.

Nang makauwi ay nagmano ako saglit kay Nanay bago kumaripas ng akyat sa kuwarto. Nagpalit ako ng pambahay at mabilis na inayos ang itsura. Mukha pa rin kasi akong balisa. Baka magtanong si Nanay at wala akong maipalusot.

"Kumain ka na." Umupo naman ako.

Hindi ko pinansin ang pang-uusisa ni Nanay at nagdere-deretso lang sa pagkain. Agad naman akong natapos kaya ako na ang nagpresintang maghugas.

Sumulpot bigla si Alexander nang makabalik ako sa kuwarto.

"Busy ka?" Tanong nito.

Nasa isang buong papel kasi ang atensyon ko habang nagsusulat. Tinatapos ko na kasi ang draft para sa conclusion.

"Medyo."

"I have something to tell you." Nakuha no'n ang atensyon ko nang panandalian.

"Ano?"

"Noong mga nakaraang araw ay palagi kong nakikita ang isang ospital sa isip ko. But it's just a glimpse." Umayos ako ng upo bago humarap sa kaniya.

"Ibig sabihin, nakakaalala ka na?"

Umiling naman ito. "Not literelly na nakakaalala pero may hinala ako. Pakiramdam ko may dahilan ang isang 'yon."

"Siguro ito na ang simula. Malay mo bukas o sa makalawa alam mo na ang sagot na hinahanap mo." Napangiti ako.

Sa wakas, may dahilan na rin para matapos ang trabaho ko sa 'yo.

"I hope so."

Napapaisip na nagsulat ulit ako.

"Nga pala, Gab."

Tumaas ang dalawa kong kilay sa pagtawag niya. "Bakit?"

"Sinundan ko yung kaibigan mo."

Huh?

"Sino? Si Zhem?"

Tumango naman siya. "Hmm, siya nga. Katulad mo rin pala siya? Naramdaman niya kasi ako no'n nung sinusundan ko siya pauwi."

Nanliit ang mga mata ko sa kaniya. "Ba't mo naman siya sinusundan? Crush mo?" Pang-aasar ko.

Ang harot naman pala ng multong 'to.

Sumeryoso ang kaniyang mukha sa sinabi ko. "Sino? Ako? Hindi ah. Curious lang ako sa kaniya. Para kasing kahit nakararamdam siya ng multo, hindi niya naman 'yon makita." Exactly.

"'Yon nga. Nakakaramdam lang siya, pero ang makakita ay hindi. Bakit? Ano bang big deal do'n?"

"Kaya pala naging magkaibigan kayo."

My Spirit Man Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon