Kabanata 23: Fade

269 27 21
                                    

A/N: Salamat sa 1.17k reads!
.·'¯'(>▂<)'¯'·. So, ayon na nga. Update na naman. Dedicated ulit kay beeyoully hehe ^-^ Happy reading!

Gab's point of view

Hindi ko na ikinagulat ang biglaang pagsugod ni Zhem sa bahay namin. Pasado alas nueve na. Nagtataka tuloy ako kung paano siyang pinayagan na lumabas pa ng bahay nila.

"Gab!" Sunod-sunod na katok ang namutawi.

Mabilis akong bumaba upang madaluhan siya dahil umuulan pa naman.

"Z-Zhem-"

"Why didn't you tell me? Kailan mo pa siya nakikita, huh?" Zhem aggressively shook my shoulders.

Sa huli, nauwi kami sa pagpunta sa ospital. Kahit wala akong paalam ay nagpahatak na lang din ako. Ito na lang ang kaya kong gawin para mabawasan ang lungkot na nararamdaman niya.

Katulad noong huli ay umakyat kami sa rooftop upang makapag-usap. May nasisilungan naman kami kaya hindi kami nababasa ng ulan. Hindi rin pala alam ng ina ni Alexander na andito kami ni Zhem.

"Can you...see him right now? Where?" Inilibot niya ang paningin sa paligid.

She's really desperate to see him. Mas lalo akong nahihirapan sa nakikita ko.

"Wala siya rito, Zhem."

"Then, where can I find him? Please, tell me."

Halos malunok ko na ang sariling dila nang hindi ako makaimik. Paulit-ulit akong napalunok dahil sa pag-iisip kung paano sasabihin sa kaniya ang lahat. Ang sabi ni Alexander noon ay huwag ko raw muna sabihin. Pero sa akin kasi napupunta ang konsensya. Ayokong magtago ng lihim, lalo na sa taong may malaki rin akong utang na loob.

"Nakilala ko siya bago mo pa ako kaibiganin noon." Her lips parted. "Katulad ng mga kaluluwang lumalapit sa akin ay humingi rin siya ng tulong para mahanap ang sarili niyang katawan. Hindi man kapani-paniwala pero wala siyang maalala. Siguro ay dahil iyon sa sinabi mong pag-inom niya ng pills." Humugot ako ng malalim na hininga.

"Bakit ngayon mo lang 'to sinasabi sa 'kin?" Gulat akong napatingin sa mga mata niya. Mukhang galit siya.

"Kasi, Zhem-"

"Don't tell me-" sarkastiko siyang natawa. "You don't see me as a friend, right?"

Kinabahan ako sa biglaang pagseryoso ng kaniyang mukha. Ngayon ko lang siya nakitang ganiyan sa 'kin.

"Ano? Zhem, hindi sa gano'n. Pinakiusap sa 'kin ni Alexander-" hindi niya ako hinayaang makapagpaliwanag man lang.

"I can't believe this." Namamangha siyang tumitig sa 'kin. "Get lost, Gab. Hindi ako makapaniwala sa 'yo."

Naubusan ako ng salita. Gano'n ba talaga ako sa paningin niya? Bakit ayaw niya akong pakinggan?

"I said, get lost." Nagtitimpi niyang utos.

Wala na akong nagawa kaya umalis na rin ako. Ayokong paniwalaan ang nangyari pero paulit-ulit lamang iyong pumapasok sa utak ko, na para bang isa 'yong sirang plaka.

Kasalanan ko ba talagang hindi agad ako umamin?

"Siguro nga kasalanan ko." Napabulong ako sa hangin.

Sumakay ako ng bus pauwi kahit basang-basa na ako ng ulan. Mabuti nga at hindi nabasa ang perang dala ko, e.

Nang marating ko ang pinto ng bahay ay maingat ko iyong binuksan. Maswerte ako at wala akong naabutan sa sala. Mahimbing ang tulog ni Nanay kaya hindi siya nagising.

My Spirit Man Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon