Kabanata 8: Second meeting

363 43 36
                                    

Gab's point of view

Narating na namin ang venue. Humanga pa nga ako sa ganda ng building. Sa palagay ko ay 30 floors din ang abot nito. Sama-sama namin iyong pinasok nina Myra at Jake. Marami rin kaming nakasabay sa pagpasok. Ang ilan pa nga ay kaklase rin namin kaya binati rin iyon nina Myra. Napapagilid tuloy ako kapag mag-uusap-usap sila.

"Excited na 'kong makita si Zhem." Impit na tumili si Myra.

"Same here." Komento rin ni Jake.

Ako man ay napangiti rin nang ma-imagine ang itsura ni Zhem. Sobrang ganda niya siguro. Ay hindi, maganda na talaga siya. Magiging lalo lang ngayon.

Sumakay na kami sa elevator paakyat.

"Restroom tayo after makapasok sa loob ha? Aayusan kita ro'n." Paalala ni Myra.

I nodded in response. "Okay."

Huminto ang elevator kaya lumabas na kami. Rinig ko ang malakas na tugtog sa isang silid. Mahahalata mo ring malawak ang loob dahil sa dalawang malalaking pinto no'n.

Tumuloy kami sa loob. Nahilo ako nang tumambad ang malilikot na ilaw sa loob ng silid. Ilinapag namin ang dala-dalang regalo sa isang mesa dahil doon talaga ang lagayan na ihinanda nila.

Marami na rin ang nakaupo sa ilang table. Nagku-kwentuhan ang ilan at ang iba naman ay panay ang inom sa nakahandang juice or wine.

"Hintayin ko na lang kayo dito." Ani Jake at naupo na nga. May ilan pa kaming kaklase na nakiupo rin sa table na iyon.

"Let's go." Hinatak ako ni Myra sa restroom.

Nang makapasok sa loob ay pinaharap niya ako sa kaniya.

"What color do you want?"

Gosh, kahit ako hindi ko alam.

"Ah, hehe. Kahit ano na lang."

Kinuha naman nito ang make up kit sa shoulder bag na dala. Sinimulan niya na ang paglalagay ng kolorete sa 'kin.

Ten minutes had passed. Pinamulat niya na ako at pinaharap sa salamin.

"Thank you." Pasalamat ko matapos makita ang ginawa niya.

May talent siya sa ganito ah?

"You're welcome. Tara na sa labas." Nauna siyang maglakad kaya sumunod na ako.

Pumwesto kami sa table kung nasaan si Jake.

"You look better now." Papuri ni Jake nang makaupo ako.

"Whoa! Ikaw na ba 'yan, weird Gabrien?" Humalakhak ang ilan sa kanila sa sinabi ng kaklase kong si Mark.

Bumaba ang tingin ko. Parang nabahag yata ang buntot ko dahil do'n. Kung kanina ay 50% pa ang confidence ko, ngayon ay 25% na lang.

"Tigilan niyo nga si Gab. Ang sasama ng mga 'to." Saway sa kanila ni Myra.

Ako naman ang kinabahan dahil sa ginawa niya.

"Ow!" Hiyawan ng iba.

"Hoy, tumigil na nga kayo. Inimbita siya rito ni Zhem kaya respetuhin niyo naman siya. Tao pa rin ang inaapi niyo." Dagdag pa ni Jake.

What am I gonna do now? Tumakbo kaya ako palabas?

"Chill, bro. I'm just kidding earlier." Bawi niya.

Pinagpatuloy na lang nina Mark ang pagku-kwentuhan.

"Don't mind them, Gab." Ani Myra.

"Hindi, ayos lang. Hindi naman ako affected."

My Spirit Man Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon