Kabanata 10: Rape case

344 47 11
                                    

Gab's point of view

Tanghali na ako nakapasok. Tinanong pa ako nila Zhem kung okay lang daw ba ang pakiramdam ko. Lahat ng tanong nila ay tinanguan ko lang dahil may gumugulo pa rin sa isip ko hanggang ngayon.

Bwiset na 'yon...

"Salamat pala dito ah? Sinabi ko naman na sa 'yong presensya mo lang ayos na, nag-abala ka pa talaga." Tukoy ni Zhem sa suot-suot na kuwintas.

"Ayos lang naman sa 'kin. Hindi naman 'yan gano'n kamahal kung tutuusin." Nahihiya kong pag-amin.

"Cheap or not, it's still a gift. Kaya thank you."

"Welcome." I replied smiling.

Nagsimula na ang klase. Hinayaan ko na lang na mapuno ang isip ko about sa discussion.

Hours had passed. Pinag-isipan ko kung uuwi pa ba ako nang maaga o magliliwaliw muna sa kung saan. Gagawa na lang ako ng rason kay Nanay pag-uwi para hindi siya magalit.

Bumuga ako sa hangin bago nagtungo sa kalapit na park. Dahil sa hapon na ay maraming pamilya ang kasalukuyang nakatambay doon. May ilang batang nagtatakbuhan at nagpapalipad pa ng saranggola. Pinili kong maupo sa pinakadulong bench at doon nagmuni-muni.

Tumulala ako sa lapag at nag-isip kung ano ba ang dapat kong gawin mamaya. Kapag ba naabutan ko siya ay umakto lang ako ng normal, o iwasan ko na lang?

My thinking got interrupted when a ghost sat by my side. Katulad ko ay dumausdos din pababa ang paningin nito. Kaya tinapunan ko na siya ng pansin.

Gula-gulanit ang pambaba nitong suot at may karumihan naman ang sa itaas. Nakasuot ito ng denim skirt at puting t-shirt na iti-nuck in.

"Ano naman ang problema mo?" Deretso kong sabi habang tumulala na ulit sa lupa.

Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita. "I was raped." Malungkot at deretso rin niyang sagot.

Agad na nanlaki ang mga mata ko. Hindi makapaniwala sa narinig mula sa katabi. Gumawi ang ulo ko sa kaniya at sinuri ang kabuuan ng kaniyang mukha. Duguan ang noo at leeg niya. Halata rin ang pananakal na nangyari dahil sa pantal ng kamay doon.

"Gano'n ba?" I'm speechless.

Nakakita na ako ng mga katulad niya pero siya lang ang naglakas loob na magkwento. Ang ilan kasi ay tumatangging sabihin dahil na rin sa trauma na inabot.

Kahit hindi ko hiniling ay kusa niyang ikinuwento ang panghahalay sa kaniya ng dalawang lalaki. Napadaan lang daw siya no'n sa parteng iyon dahil mas mabilis daw ang daanan pero hindi niya inakalang may peligro na palang nakaabang.

Nakailang tango rin ako sa bawat salita niya. Para bang nararamdaman ko talaga ang sinapit ng dalaga kahit hindi naman.

"Kaya gusto kong makagant--ang ibig kong sabihin, magkaroon ng kapayapaan. Gusto kong mahuli ang mga 'yon ng pulis at maipakulong, ng habang-buhay." Bakas sa himig nito ang galit.

Ako naman ay napaiwas na lang ng tingin nang pumihit ito sa direksyon ko. May iba akong nararamdaman sa kaniya pero ipinagsawalang-bahala ko na lang. Kataka-taka kasi dahil hindi naman itim ang mga mata niya.

Humanap muna ako ng tamang tiyempo bago tumayo. "Kailangan ko nang umalis. Maiwan na kita." Lalakad na sana ako paalis ngunit napahinto na naman.

"Pwede ba kitang maging kaibigan?" Natutop ako sa kinatatayuan.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil wala akong mahanap na sagot.

My Spirit Man Where stories live. Discover now