Kabanata 25: Apology

274 28 28
                                    

A/N: Skl 'to, ah? 19 years old pa lang po si Zale. Si Alexander 18, si Gab naman ay 17. Naalala ko kasi noon nung may mag-comment ng 'FBI' sa isang chapter ng story. Akala niya sobrang old ni Zale kaya bawal daw sila ni Gab. So, ayon, share ko lang talaga. Salamat shopee—charot! Salamat sa 1.23K reads! Happy reading♡

Gab's point of view

"Kinausap ka na ba niya?" Usal agad ni Myra pagkaupo sa mesa. Breaktime na kasi namin.

"Hindi pa, e."

"Tsk tsk. Sabi niya sa 'kin kahapon kakausapin ka na raw niya." Pangbubunyag niya sa usapan nila.

Ngumiti na lang ako nang walang sigla. "Okay lang. 'Wag natin pilitin kung ayaw talaga."

"Ang labo talaga ninyo intindihin. I didn't know the reason behind your misunderstanding kasi, e. Kaya medyo nalilito ako kung bakit kayo nagkaganiyan."

"Naku. Mahabang kwento." Palusot ko na lang.

Halos dalawang linggo na rin simula nung araw na nagalit si Zhem sa 'kin kaya sanay na akong si Myra palagi ang kasama sa breaktime. Marami kaming napapag-usapang mga bagay pero tungkol lang sa schoolworks ang iba. Minsan nai-intriga pa rin siya sa kakayahan kong makausap ang mga kaluluwa kaya panay tanong siya.

"Curious din ako sa isang bagay, Gab." Isinandal ni Myra ang magkabilang siko sa mesa upang makalapit pa sa akin.

"Ano 'yon?"

"May possibility ba na magkagusto ang tao sa isang kaluluwa o multo?"

Para akong pinana ng tanong na 'yon. Diretso sa dibdib ko. Para yata talaga sa 'kin ang tanong.

Umubo ako kunwari upang makahugot ng salita.

"U-Uh. Depende. Kung gugustuhin. Kung mahuhulog siya sa kaluluwang 'yon—pero parang mali."

"Mali?" Naguguluhan niya akong pinangunutan ng noo.

"Ang ibig kong sabihin...ang weird naman kung magkakagusto ka sa isang patay na, 'di ba?"

Weird nga ako.

"Sabagay. Pero natanong ko lang kasi may nabasa akong katulad no'n. I was just curious kung nakakita ka na ng gano'n din." Saka siya sumimsim sa iniinom.

Ako.

Biglang hinanap ng mata ko si Alexander. Sa lugar na 'to kami unang nagkita. Siya ang unang lumapit sa 'kin para makipagkaibigan.

Sana nga ganoon na lang ang nangyari. Hindi ganitong may gusto na kami sa isa't isa. Ang hirap lang paniwalaan na pati ako ay nahulog din. Sana pinigilan ko na lang.

Isang linggo na lang matatapos na ang buwan ng Nobyembre. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kirot dito sa dibdib ko kapag naiisip ko 'yon. Tila ba may mangyayari na ayaw ko. Parang ganoon.

[Alexander's point of view]

I want to see her.

It's almost two weeks without her. Puro si Zhem na lang ang nakikita ko rito sa ospital. Palagi ba naman akong dinadalaw.

Gano'n niya ba talaga ako ka-gusto? Wala na kasi akong maramdaman.

"Clear!" The doctor shouted as he placed the defibrillator to the patient's body.

My Spirit Man Where stories live. Discover now