Kabanata 22: Decision

295 31 12
                                    

A/N: Salamat sa 1k reads! Huhu, 'di pa rin ako maka-get over(≧▽≦) Anyways, here's another update for y'all.

About the video pala, I just made that kasi inspired talaga ang story na 'to sa Hotarubi no mori e. Anime movie na hindi ko pa rin matanggap ang ending.

I also dedicate this chapter to beeyoully, ang sipag mo magbasa. Salute! Ilang chapters na lang matatapos na ang story na 'to kaya sana suportahan niyo hanggang dulo. Mwah! Labyouall!♡

***

Gab's point of view

Tumango-tango ako at nagpakawala ng buntong-hininga.

Kahit ako ayoko kong umalis ka.

Alam niyo ba kung gaano kahirap sa isang babae ang umamin ng nararamdaman niya? Kung lalaki lang siguro ako baka nasabi ko na lahat ng tumatakbo sa isip ko ngayon.

"Ikaw ba? Gusto mo bang...mawala na 'ko?" Bigla nitong tanong kaya sinalubong ko ang mga mata niya.

Sabihin mo, hindi.

Nakipagtalo muna ako sa sarili bago naisipang sumagot.

"Paano kung sabihin kong dito ka lang? Mananatili ka ba?"

Heaven knows kung gaano ko inipon lahat ng lakas at kapal ng mukha para maitanong 'yon. Para ko na ring isinugal ang buhay ko sa isang tanong lang.

Mapait siyang napangiti. "Oo." Matapang niyang sambit. "If only I have the ability to do that." He added.

Kahit ako walang magagawa, e. Hindi ko naman hawak ang buhay niya. Isa pa, walang patutunguhan ang mga nararamdamang ito.

"Nagsisisi ka ba?"

"Saan?" Tanong ko.

"Sa pagtulong mo sa 'kin. Kasi, kung hindi mo sana 'to ginawa, hindi rin ako mapapalapit sa 'yo."

"Sinisisi mo ba 'ko?" biro ko para pangitiin naman siya kahit pa'no.

"Of course not. Gusto ko lang malaman."

Haay. Anong oras na ganito pa mga tanungan niya.

"Wala akong pinagsisisihan, 'no. Ang totoo kasi..." Napalunok muna ako. "Ito na yata ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko." He smiled genuinely. Kinabahan na tuloy akong tapusin ang sinasabi ko.

'Yang mga tingin na 'yan kasi.

"In love ka na sa 'kin, 'no?" I suppressed my smile.

Iniisip ko pa lang na ang lakas ng trip naming magsabihan ng feelings nang madaling araw natatawa na ako.

Umiwas ako ng tingin at pekeng umubo. "Hindi, ah." I teased.

Mahina naman siyang napatawa. "Matulog ka na nga lang ulit. Baka sakaling paggising mo mamaya umamin ka na." Mahangin niyang utos.

"Wow, ang kapal mo talaga." Natawa ako. "Osiya, matutulog na 'ko. Good night."

"Sleep well. I'll just see you tomorrow. Love you." Biro niya sa huling salitang ibinulong niya. Halata ang pagpipigil niya ng tawa nang makita ang reaksyon ko.

Grabe 'yung kaba ko! Argh!

"Tsk. Makakatulog pa ba 'ko nito?" Ungot ko bago umakyat sa taas.

My Spirit Man Where stories live. Discover now