Kabanata 21: Letting go

272 33 16
                                    

Gab's point of view

Umabot na ako sa point ng pag-alala sa nangyari kanina. Ngayon lang ata ako tuluyang nagising. Pakiramdam ko lasing lang ako no'n kaya ko nagawa 'yon. Tsaka, nabigla rin. Bago pa lang kasi sa 'kin ang gano'ng pakiramdam.

Mapayapa sa tenga ang buhos ng ulan na tumatama sa bubong. Para bang pinakakalma ako sa mga iniisip ko. Gusto ko na rin namang matulog pero hindi talaga kaya e. Ang sakit lang sa puso.

•••

Tanghali na nang magising ako. Kumalam nga kaagad ang tiyan ko dahil nalipasan na ako ng gutom sa tagal ng itinulog ko.

Kinusot-kusot ko ang mga mata habang pababa sa sala. Kumuha ako ng tubig para maibsan ang uhaw. Tumingin-tingin ako sa paligid dahil may bago. Wala akong naabutan doon. Pero mas mabuti na siguro 'yon. Iniisip ko pa lang na andito siya tumatayo na ang mga balahibo ko sa kaba. Malala na yata 'to.

Bukas na uuwi si Nanay galing Manila. Hindi kami gaanong nakapag-usap kasi parang nag-e-enjoy talaga siya doon. Na siya namang okay din sa 'kin kasi deserve niya 'yon.

Pinagod ko ang sarili sa pag-aaral buong maghapon. Kahit nahihirapan ay pinilit ko talagang unawain ang nasa module. Nanood na rin ako sa youtube ng steps para madalian ako. Pagkatapos kong mag-review, hindi ko malaman kung dumagdag ba ang kaalaman ko o mas nalito lang ako. Ang weird. Napiga siguro masyado.

Mayamaya pa, nag-ring ang phone ko sa gilid. Kinuha ko iyon at sinagot agad nang makita ang pangalang 'Nanay' doon.

"Nay," bungad ko.

"Kumusta ka na diyan? Nakakain ka na ba?" Ay oo nga pala, hindi pa.

"Opo, katatapos lang." Hehe, baka mag-alala e. Kakain naman na ako mayamaya rin.

"Osiya. Anong oras na, magpahinga ka na rin." Aniya pa.

Tumango lang naman ako na parang makikita niya 'yon. "Sige po, good night." Ibinaba na niya ang tawag.

Kumain naman muna ako bago tuluyang natulog sa kwarto.

[Zhem's point of view]

Sa susunod na linggo ay sa ospital na ako madalas pupunta. Nami-miss ko na kasi siya. Ilang araw na rin akong nandito lang sa bahay. Nag-iisip ng kung ano-ano.

"Ang bagal mo naman." Sermon ko kay Kuya.

Pinangunutan niya lang ako ng noo bago bumaba sa sala. Sumunod naman ako papunta sa kotse nang makuha niya na ang susi no'n.

Pansin ko ang pananahimik ni Kuya sa biyahe. Para bang may kung ano sa isip niya. Gusto ko tuloy magtanong.

"Nung bumisita ka kay Alex nung nakaraan, kumusta na siya?"

"Still the same."

Nanahimik na rin ako matapos no'n. Nang marating namin ang ospital ay sabay kaming pumasok doon patungo sa kwarto ni Alex. Naabutan naming umiiyak si Tita kaya mabilis namin siyang dinaluhan.

"What happened, Tita?" Usal ko.

Lumapit ako para himasin ang kaniyang likod.

"A-After a month--" humagulgol ito kaya nahawa rin ako. Kinakabahan ako sa sasabihin niya. "I-I will end his sufferings." My mouth left open.

Hindi ako makapaniwala sa narinig. Nanlulumong napatingin ako kay Kuya na ngayon ay pinupunasan na rin ang sariling luha.

Dumapo naman ang paningin ko kay Alex. Siguro nga tama si Tita, mas nahihirapan kami kasi we can't let him go. We can't accept the painful truth. Umaasa pa rin kami na after this, he'll wake up. Pero hanggang hiling na lang yata lahat 'yon. Wala na kaming magagawa.

My Spirit Man Where stories live. Discover now