Epilogue

294 24 0
                                    

Felix' point of view

Napagdesisyunan nilang sa malapit na bar tumuloy. Ilang minuto rin kaming naghintay para sa ilan pa naming kasama dahil nagtagal sila sa rides.

"Kilala mo ba 'yong katabi mo kanina?" Yuan suddenly asked.

"Uh, yeah. Probably," I answered.

"Aba, may bago agad?" pabirong sunod naman ni Kurt.

Masama ko siyang siniringan dahil hindi ako natuwa sa sinabi niya.

"What?"

He immediately raised his hands in the air as a sign of defeat. "Chill. Nagbibiro lang ako," aniyang natatawa pa.

"Then, choose a laughable one. Dumbass," iritang saad ko saka naunang pumasok sa loob.

Bumungad sa 'kin ang malakas na tugtog at mga taong nagsasayawan sa gitna. Tumalsik pa ang kaunting inumin sa braso ko kaya asar na pinahid ko 'yon.

"Tol, kalmahan mo lang. Alam mo naman 'tong si Kurt pasmado bibig," habol ni Yuan.

Tamad ko lang silang nilingon bago umupo sa bakanteng couch.

"Sila Jacob? Papunta na ba?" ani Yuan.

"Tawagan ko lang," Kurt distanced a little to make a call.

Inilibot ko ang paningin nang mapansin ang pamilyar na mga uniporme. They are from our school as well. Don't tell me...

Inakbayan ako bigla ni Yuan. "Woah, bilis ng mata ah? Sino ba 'ron?"

"Ang alin?" I asked.

"Type?"

"Ako nga ba o ikaw?" sarkastikong balik ko.

"Gago ang seryoso mo naman," komento niya bago tumayo para bumili ng drinks.

What's up with me? Bakit nga ba ako naiinis?

Saglit kong ginulo ang buhok dahil sa pagkairita. Prente kong isinandal ang likod para kumalma nang kaunti.

"Tol, on the way na raw sila," pagbabalita ni Kurt saka umupo sa kabilang couch.

I didn't bother to answer what he said. Matapos ng ilang sandali ay nagsidatingan na rin sina Jacob.

"Tagal niyo," reklamo ni Kurt.

"Gusto niyo babae?" bungad na tanong ni Richard.

"Kararating mo pa lang babae na agad hanap mo," nakipagtawanan sila sa sagot ni Yuan habang ako ay pinanonood lang sila.

Kaniya-kaniya na silang kumuha ng alak nang makaupo. Kumuha na rin ako ng isa kahit wala akong balak na uminom.

"Oh, teka. Taga-school din ba natin sila?" tukoy ni Richard do'n sa mga babaeng nakita ko rin kanina.

Inakbayan siya nina Kurt at Jacob saka lumapit doon. Pinanood kong kausapin nila ang mga ito-

Huh? Si Gab ba 'yon?

Naiwan lang ang dalawa habang si Kurt ay napabalik sa table namin, nakabusangot na.

"Banal 'yung isa, pre. Ayaw niya raw ng kainuman."

Tawanan na naman ang bumalot sa paligid kasabay ng maingay na musika. Halos siksikan na ang mga tao sa gitna dahil sa sayawan. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay napatayo ako para sundan din sina Jacob. Nasa kabilang corner sila ng silid kaya nakipagsiksikan pa ako sa mga tao.

My Spirit Man Where stories live. Discover now