Kabanata 30: Amusement park

296 21 6
                                    

Gab's point of view:

"Pupunta pa ba 'ko?" tanong ko sa kawalan.

Malamang! Pumayag ka na kaya.

Napapikit ako sa pangangaral sa sarili. Tila ba pinipilit kong kumbinsihin ang sariling may dahilan pa para mag-back out sa deal na 'yon.

"Argh! Bakit ka kasi pumayag?" napapasabunot na nagpagulong-gulong ako sa kama.

Tumigil lang ako sa ginagawa nang may kumatok sa pinto. Kaagad ko iyong binuksan para makita kung sino.

"Ma," mahina kong sambit.

"Dinner's ready," aniya habang nakangiti.

"Opo, susunod na po."

Mabilis na nagpalit ako ng damit saka sumabay sa kanilang kumain.

Sabado ng umaga ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Felix. Sabi niya ay hapon raw kami doon magtutungo. Nakapagpaalam na rin naman ako tungkol dito kaya kailangan ko na lang talagang pumunta...kahit ayaw ko.

"Gusto mo ihatid na kita sa pupuntahan mo?" presinta ni Papa habang inihahatid ako palabas.

Umiling naman ako. "Hindi na po. Uh, parating na rin po 'yung kasama ko. Sa kaniya na lang daw po ako sumabay."

Matapos kong sabihin 'yon ay saktong dumating ang kotse ni Felix. Nagtatakang tiningnan ako ni Papa, nagsususpetsa kung ano ko ba ang lalaking nasa loob. Hinampas ko tuloy siya nang mahina dahil do'n.

"Schoolmate, Papa," paliwanag ko pa.

Natatawang tumango siya kaya hinampas ko na naman siya.

"Sige, sige. Schoolmate ha? Mag-iingat kayo," tapos ay bumaling ito kay Felix na ngayon ay pinagbuksan na ako ng pinto. "Ingatan mo 'tong anak ko, hijo."

Nauubusan ng pasensya akong bumuntong-hininga saka sumakay doon.

Pinamimigay niya na ba ako sa kung sino-sino?

"Opo, tito."

Tito?! Magkakilala ba sila?

Nanlalaki ang matang napalingon akong muli sa kanila.

"Sige na, lumakad na kayo nang makauwi agad," ani Papa kaya sumakay na rin sa kotse si Felix.

Saka lang ako naglakas ng loob na magsalita nang makalayo na kami.

"Huwag mo sanang seryosohin si Papa, madalas 'yong magbiro kaya gano'n."

"Hmm. You seem to be the one taking his words seriously," aniya.

"Asa. Nagsasabi lang ako, 'no," depensa ko naman. "Nga pala, anong gagawin natin pagpunta ro'n? Babati pa ba tayo ng condolence? I mean-shit," hindi ko na naituloy ang sasabihin nang pangunahan ako ng inis. Nasapo ko ang sentido dahil sa pag-iisip.

Una sa lahat, hindi naman kasi dapat ako nadamay sa gulong 'to. Nananahimik ako tapos bigla na lang akong yayakapin, e 'di nagkagulo tuloy. May sira yata talaga siya sa utak.

"No, wala kang sasabihin. I will just defend your name to them. Don't think about doing or saying anything," he said calmly.

Hindi na ako sumagot pa. Patuloy sa pagbilis ang tibok ng puso ko sa tuwing maiisip na doon ang lugar na pupuntahan. Sobrang nakalulungkot lang na sa gano'n nauwi ang lahat. Hindi na napigilan o naagapan man lang.

My Spirit Man Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon