Kabanata 6: Connection

406 64 24
                                    

Gab's point of view

"Ready ka na ba bukas?" Zhem suddenly asked.

"Siguro. Medyo."

Nalilito naman siyang tumingin sa 'kin. "What do you mean by that? Anong medyo?"

"Medyo ready." I flashed an awkward smile.

Bumuntong hininga naman ito. "Bawas-bawasan mo nga ang hiya mo. Hindi bagay sa 'yo." Tumawa ito upang mang-asar.

Eh? Anong hindi bagay?

Lumabi na lang ako. "Subukan ko."

"Psh. Gawin mo na lang, that's better."

"Osiya, sige na nga." Pagtatapos ko sa usapan.

Talagang napakabilis lumipas ng araw. Pakiramdam ko kulang pa ang practice na ginawa ko sa bahay para makapagsalita sa harap ng maraming tao.

Isama mo pa 'yong tungkol sa pabor ni Alexander sa Sabado. Nakakapagod 'yun lalo na't may kalayuan ang mga ospital dito sa amin. Talagang mapipiga ang pera't pasensya ko sa isang 'yon.

"Tara sa cafeteria." Yaya agad ni Zhem nang makaalis ang guro.

"Sige."

Sumama rin sa amin sina Jake at Myra. Kahit papa'no ay napapansin kong pinakikisamahan naman nila ako. Naa-appreciate ko ang pag-a-adjust nila kaya nagpapasalamat ako ro'n.

Nang makabili ay umupo na kami sa bakanteng mesa. Sa una ay naging tahimik pa kami pero kinalaunan ay nagkwentuhan na.

"Nai-intriga talaga ako sa 'yo, Gab." Panimula ni Myra. "Pwede ba akong magtanong."

"Oo naman." Pagpayag ko.

"Talaga bang nakakakita ka ng mga kaluluwa? Like, as in?" Maarte pa niyang tanong.

Bahagya akong napangiti nang pati si Jake ay nakikinig na rin. "Tama ka. Katulad ngayon, may nakikita akong multo sa gilid na 'yon." Itinuro ko pa kung saang banda nakatayo ang isang kaluluwa.

Takot niya iyong nilingon. Mayamaya pa ay lalong sumiksik si Myra kay Zhem. Magkakatabi kasi sila sa kabilang parte habang ako naman ay mag-isa lang.

"T-Totoo talaga? Merong multo do'n?" Tumango ako.

Nangilabot at nanginig nang panandalian si Myra. Si Jake naman ay pinanatili ang inosenteng mukha. Parang hindi naman siya affected sa sinabi ko.

Kumagat ako sa sandwich na binili bago ulit sinagot ang mga sumunod pa nilang katanungan. Inisip ko na lang na para na rin 'yong sa defense.

Hinintay kong dumating ang uwian. Matapos makapagligpit ng mga gamit ay nagpaalam na ako kina Zhem. Kailangan kong agahan ang uwi para makapag-practice ulit. Bubuuhin ko muna ang confidence ko para naman hindi ako mautal bukas.

"Ang aga mo ah? Nagugutom ka na ba?" Salubong ni Nanay.

"Hindi pa naman po ako gutom, Nay. Mamaya na lang po." Paalam ko bago umakyat sa kuwarto.

Hindi na ako nagulat nang maabutan ko ro'n si Alexander. Madalas niya naman 'yang gawin kaya hindi na bago sa 'kin.

Inilapag ko ang bag sa gilid bago siya pinameywangan. "Bigyan mo muna ako ng privacy. Magpa-practice pa ako para bukas."

Umangat ang dalawa niyang kilay sa narinig. "Practice for what?"

"Thesis. Sige na, mamaya ka na bumalik kapag tapos na 'ko." Hindi naman ito kumilos kaya masungit ko siyang tinitigan. "Hindi mo ba 'ko narinig, lalake?"

My Spirit Man Where stories live. Discover now