Kabanata 7: Debutant's wish

386 53 16
                                    

NOTE: For better experience, turn your data or internet on. Thank you.

Gab's point of view

Araw ng Sabado. Akala ko ay hindi na magpapakita si Alexander pero hindi naman iyon nangyari. Kaya pala siya nawala kahapon dahil nauna na siyang pumunta sa mga kalapit na ospital dito. Siguro gano'n na talaga siya ka-desperadong makita ang katawan niya.

Nagtanong-tanong ako sa ilang taong nakakasalubong ko. Hindi ko naman kasi alam ang lahat ng may ospital dito kaya baka maligaw ako.

At syempre pa, hindi lang tao ang nakikita ko kada kanto kundi mga multo rin. Iniiwasan ko ngang maka-eye contact ang mga 'yon dahil wala ako sa mood pumatol ngayon sa mga hinaing nila.

"Good afternoon, ma'am." Bati ng isang babaeng security guard.

Ngumiti naman ako pabalik at bahagya pang tumungo. Matapos no'n ay dumeretso na ako sa nurses station. Pinagtanong ko kung may nakapangalan bang Alexander Felino pero wala raw. Bumubuntong hininga akong lumabas muli.

"Are you tired already? P'wede naman na tayong magpahinga." Aniya habang patuloy pa rin sa paglakad.

Hindi ako lumingon. "Hindi, ayos lang. Isang ospital na lang tapos uuwi na tayo."

Pansin ko ang pagtango nito. Malayo pa ang sumunod na ospital kaya nang marating iyon ay humugot muna ako ng hininga. Muli akong nagtanong.

"Uhm, meron po ba ritong Alexander Felino na pasyente?"

"Kaano-ano po kayo?"

Natameme ako nang panandalian.

"Sister." Singit ni Alexander.

"Kapatid po." Alanganin kong sabi bago ngumiti.

Mabilis namang naghanap si ateng nurse sa log book. Nagpalipat-lipat pa siya ng pahina habang nakaturo ang hintuturo sa mga pangalan pababa.

Tumingin ito sa 'kin. "I'm sorry, walang Alexander Felino ang nakalagay rito."

Napapatango akong sumagot. "Thank you."

At muli na naman akong lumabas ng gusali. Bigla kong naalala na may bibilhin pa pala ako.

"Hoy." Tawag pansin ko kay Alexander na ngayon ay bagsak na ang mga balikat.

Malamang disappointed din siya dahil hindi namin nakita ang hospital sa isip niya.

"Hmm?" Nilingon niya ako.

"Dadaan muna ako sa mall para bumili ng regalo. Kung gusto mo nang mauna pauwi ayos lang din naman."

Parang pumakla naman ang itsura nito.

Luh?

"Ngayon mo pa talaga ako pauuwiin? Sasama na lang ako sa 'yo. Baka matulungan pa kita sa pagpili ng bibilhin."

Tiningnan ko naman ang itsura niya kung seryoso ba siya doon.

"What?" Aniya.

Napaiwas ako ng tingin. "Wala, akala ko nagbibiro ka e. Tara." Nauna akong maglakad.

Sakto namang katapat lang ng ospital ang isang mall. Doon na ako nagtungo para bumili.

Inilibot ko ang paningin. Ngayon na lang ulit ako nakapunta sa mall. Nakakapanibago tuloy ang amoy no'n sa akin.

Walang pasabi akong lumakad palapit sa clothes store. Tumingin-tingin ako sa mga dress, t-shirt, skirt, jeans at iba pa. Grabe, bakit sobra naman 'yung presyo?

My Spirit Man Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon