Kabanata 20: I want to stay

272 23 7
                                    

Gab's point of view

Umulan na naman nang matapos kaming makapag-usap ni Zhem. Inuwi ako ni Zale. Nagpasalamat naman ako pagkatapos no'n at nagtuloy-tuloy na papasok sa bahay. Nanlulumo akong napaupo sa sofa at saka humawak sa sentido.

Nakakabaliw. 'Yon lang ang nasa isip ko.

Nagulat ako nang biglang sumulpot galing sa taas si Alexander. "Kanina ka pa diyan?"

"Not really, pumunta lang ako rito dahil sa 'yo." Aniya bago tumayo sa harap ko.

Eh? Dahil sa 'kin?

"Luh? Akala mo ayos na tayo?" Pagsusungit ko bigla. Akala mo may LQ lang kami.

Pinangunutan niya naman ako ng noo dahil do'n. "What's up with you? Ba't ka galit?" Aniya bago umupo sa tapat ko. Bale, naglabanan na kami ng tingin.

"Sinong galet?"

"Ikaw. Alangan namang I'll ask myself why I am mad. That's stupid." Sa'n na ba patungo ang usapan na 'to?

"Ang gulo mo kasi. Nung una gustong-gusto mong makita ang katawan mo para matahimik ka na. Ngayon, andiyan na sa tabi mo iniiwasan mo naman." Paliwanag ko. Napabuntong-hininga naman siya.

Sasagot na sana siya nang mag-iwas ito ng tingin. "I have my own reasons."

"Edi sabihin mo. Ano, hulaan ko na lang? Guessing game?"

"Stop." Aba, pinigilan pa 'ko.

Lalo tuloy akong nangating magtanong. "Anong stop? Ako ba sinabi ko 'yan nung umalis ka nang walang pasabi? Ikaw lang may freedom dito?" Promise, kung titingnan lang kami ay para na kaming may lover's quarrel.

"I told you, stop. You don't have to know the reason. I can't tell you either."

Mabigat akong nagpakawala ng hininga. Napapagod na 'ko makipagtalo. Wala namang sense.

"Edi okay." Tumayo ako para umakyat na sa kwarto. "Kainis. Ano bang problema niya? Ang labo." Naiinis kong ibinagsak ang katawan sa kama. Matutulog na lang ulit ako. Sabog pa talaga ang pakiramdam ko hanggang ngayon e.

Hanggang sa panaginip ay ando'n pa rin si Alexander. Sa panaginip ko raw ay nagising siya at nakasama ang mga mahal niya sa buhay. Tapos...naging sila ni Zhem.

Paggising ko, natulala agad ako sa kisame. Basa na ang mga mata at tenga ko dahil sa pag-iyak. Weird, nasaktan ako ro'n ah?

Bumangon ako bago iyon pinahid nang marahan. Niyakap ko ang mga tuhod at ipinatong ang baba sa pagitan no'n.

•••

Sa mga sumunod na araw ay naging busy na ako sa pag-aaral. Nawala na rin ang inis ko kay Alexander kaya komportable na ulit siyang nakakapunta sa bahay at nakikipag-usap sa 'kin. Back to normal kumbaga.

"Hanggang saan na natapos mo?"

Hindi ako sumagot. Nagugulo ako e.

"Hey, nakikinig ka ba?"

Ayon na naman ang hindi ko pagsagot. Malapit ko na kasing makuha ang sagot sa formula e. Kailangan ko ng matinding focus.

Naramdaman kong tumabi na sa 'kin sa kaliwang parte ng sofa si Alexander. Kumalabog tuloy ang puso ko sa kaba.

Argh! Ano ba naman 'yan.

"Ang sipag mo naman...mang-snob." Sinalubong ko ang tingin niya na pinagsisihan ko naman agad. Napaatras ang mukha ko bago siya pinangunutan ng noo.

"Kung ikatatalino ko lang ang pakikipag-usap sa 'yo baka kanina pa kita dinaldal." Pambabara ko.

Ilang araw na akong subsob sa pagre-review tapos ngayon niya pa naisipang mangulit. Ayos din sa timing e, 'no?

"Fine, study well." Sabi niya at umakyat na sa taas. Feeling kaniya 'yung kwarto ko e. Lakas na talaga ng loob.

Ipinagpatuloy ko naman na ang pagre-review. Minsan kapag nagpapahinga na ako at nakatunganga na lang sa tabi, may susulpot na espiritu. Pero hindi na katulad noon na may mga masasama. Puro lang mga ligaw at mukhang napadaan lang.

Parang biglang nawala sa sistema ng buhay ko ang pagtulong sa iba pang kaluluwa bukod kay Alexander. Buhay pag-aaral lang ang pinagkakaabalahan ko ngayon at ibang bagay na nasa loob lang ng bahay. Halos maburo na nga ako dito sa loob.

Paminsan-minsan chine-check ako nina Nanay at Papa rito at tinatanong kung nakakakain ba ako sa tamang oras. Dalawang araw na lang at babalik na si Nanay dito. Ihahatid daw siya ni Papa. Sinigurado ko namang maayos at malinis ang buong bahay.

Kinagabihan...

"Gab."

"Oh? Kailangan mo?"

Lumapit ito. Umangat naman ang dalawa kong kilay para hintayin ang sagot niya. Ang sumunod na nangyari ay talaga namang nagpayanig sa sistema ko. Hindi ako nakagalaw nang yakapin niya ako. Natakot tuloy ako na baka maramdaman niya ang tibok ng puso kong parang nangangarera na.

"A-Anong...ginagawa mo?" Sambit ko na halos ibulong ko na lang.

I can't breathe.

"I want to stay..."

Ano?

Aktong tatanggalin ko na sana ang yakap niya nang higpitan niya 'yon lalo.

Aaaahh! Mababaliw na 'ko sa kaba!

"...with you."

Eh?

Nabingi yata ako nang panandalian. Nanlumo ako dahil hindi na kaba ang nararamdaman ko ngayon. May kirot na sa 'kin sa hindi malamang dahilan. Nasasaktan ako sa mga ginagawa niya.

Hindi nagtagal ay gumanti na ako ng yakap. "Naguguluhan na ako sa sarili ko." Mahinang usal ko. Nakasandal ang noo ko sa dibdib niya. Hinaplos niya naman ang buhok ko.

"Ako, hindi." Umangat ang tingin ko sa kaniya nang marahan niya akong ilayo. Pinagmasdan niya muna ako bago--hinalikan...sa noo.

Puwede na yata akong mamatay.

"Kung puwede lang kitang angkinin, ginawa ko na." Aniya na ikinapikit ko nang ilang ulit.

Tila ba ngayon lang ako namulat sa katotohanan sa nangyayari ngayon. Umiwas ako ng tingin at medyo lumayo sa kaniya. Baka sumabog na ako kapag pinagpatuloy ko 'to.

"Sasaktan lang natin ang mga sarili sa ganito."

Ayoko sumugal sa isang laro na alam ko namang matatalo rin ako sa huli. Una pa lang dapat alam ko nang hindi ko dapat 'to naramdaman. At kung maramdaman ko man, sana 'yung sa tao namang makakasama ko dito sa mundo.

Hindi sa isang multo.

Naging awkward ang paligid. Nanatili naman sa isang parte ang paningin ko. Ubos na ang natitira kong tapang kanina.

"I'm sorry."

Peke akong umubo. "Matutulog na 'ko." Dire-diretso akong umakyat sa taas at nagtalukbong ng kumot.

Nahihirapan ako sa mga nangyayari. Ako pa lang hirap na, paano pa kaya sina Zhem at ang pamilya niya? Mas masakit 'yon kumpara sa nararamdaman ko. Baka nga nasanay lang akong nandiyan siya kaya ayoko na siyang umalis.

My Spirit Man Where stories live. Discover now