Kabanata 29: Her point of view

274 20 4
                                    

Gab's point of view:

Reincarnation, also called transmigration or metempsychosis, in religion and philosophy, rebirth of the aspect of an individual that persists after bodily death—whether it be consciousness, mind, the soul, or some other entity—in one or more successive existences.’

Kung sa internet ka maghahanap ay 'yan ang lalabas samantalang ang nakatala rito sa libro ay may ilan pang halimbawa ng personalidad na pinaniniwalaang nakaranas na ng reincarnation.

Ilang minuto ko na ring binabasa ang libro at kahit medyo nakararamdam na ng pagod at antok ay nilabanan ko para lang mabasa 'yon.

Umabot ako hanggang pahina 70 bago napagdesisyunang tumigil na. Mahapdi na ang mga mata ko dahil sa antok at halos mahulog na rin sa mukha ko ang libro. Inilapag ko na 'yon sa gilid bago pabagsak na ipinahinga ang mga braso sa kama.

Ngunit sa hinaba-haba ng nabasa ko ay hindi pa rin ako kumbinsido. Para sa 'kin ay malabo ang sinasabi nilang 'yon. Kung patay na ang isang tao at aalis na ang kaluluwa sa katawan niya ay bakit pa siya babalik muli sa lupa? 'Di ba? Nakukuha niyo ba ang ipinupunto ko?

Napabuntong-hininga ako tapos ay natulog na.

Kinabukasan ay sumalubong sa 'kin ang mga bulung-bulungan. Nagtataka man ay normal akong nagtungo sa upuan. Mabilis na nagkwento si Faye ng kung ano ang nangyayari.

"Nabalitaan mo na ba?"

"Ang alin?"

"Felix' ex girlfriend committed suicide. Usap-usapan ka na rin dahil do'n. Ano ba talagang meron sa inyong dalawa?" takang tanong niya.

Natulala ako't hindi nakaimik. Inuunawa ko pa ang balitang karirinig ko pa lang.

C-Committed suicide?!

"Fuck," I mouthed.

"Huy, kayo ba talaga ni Felix?"

"Saan ba kasi nagsimula ang balitang 'yan? Hindi ko siya boyfriend at lalong wala akong kinalaman sa kanilang dalawa. Nadamay lang ako," ibinulong ko na lang halos ang huling mga salita.

Nakapanlulumo ang mga nalaman ko ngayong araw. Hindi pa man natatapos ang araw ay tila ba pagod na pagod na ako at gusto nang umuwi na lang.

Simula no'ng makatagpo ko ang lalaking 'yon ay gumulo na ang lahat. Para siyang sumpa sa akin. Akala ko pa naman ay matatahimik na ako, hindi pa pala. Maling-mali ako sa pag-aakala sa bagay na 'yon.

•••

Nu'ng araw ding 'yon ay pinuntahan ako ng lalaki para kausapin. Kahit na naiirita ako sa kaniya ay pinilit ko namang pakalmahin ang sarili. Pansin ko rin ang pasa nito sa mukha na hindi ko naman alam kung kanino galing.

Wala rin akong pakialam 'no.

Nagtungo kami sa kalapit na coffee shop sa school. Nakapagpaalam na rin ako kina Papa na 'wag na nila akong sunduin.

"Siguro nabalitaan mo na ang nangyari," hindi ako umimik, hinintay ko lang na ituloy niya ang sinasabi. "Kahit naman sisihin ko ang sarili ko, wala na ring magbabago. I'm sorry if I dragged you into this mess," napatungo ito.

"May tanong lang ako," doon lang siya ulit nag-angat ng ulo. "Bakit mo siya hiniwalayan? Ang ibig kong sabihin, tutal andito na rin naman at nadamay na ako, mas maigi sigurong itanong ko na."

My Spirit Man Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon