Kabanata 4: Realization

532 68 27
                                    

Gab's point of view

"May naaalala ka na ba kaya gusto mo akong makausap?"

"Wala pa. Pero may nakakita sa 'kin kaninang matanda. Sabi niya ay baka raw nung araw na namatay ako ang dahilan ng pagkawala ng memorya ko." Pinakinggan ko lang siya habang nagsusulat sa notebook.

"Ah, e ano nang balak mo?"

"Hmm, maghihintay muna ako for now. Baka may kahit konting bumalik sa 'kin kahit pa'no. Saka ko na hahanapin kung nasaan ang bangkay ko." Napatigil ako sa pagsusulat.

"'Yon ay kung meron ka talagang bangkay. Pa'no kung wala?" Seryoso ko siyang tiningnan.

Tumahimik siya at ngumuso. "Imposible. Huwag naman sana."

"Mas okay nang unahan ang mga puwedeng dahilan. Para hindi na gaanong nakakagulat kapag nasa harap mo na."

Nag-iwas na ako ng tingin dahil nahiya naman ako sa sinabi ko. Disappointed yata siya dahil do'n. Pero nagsasabi lang naman ako ng nasa isip ko.

"You have a point. Pero bakit gano'n? Hindi man lang ako pinaglalamayan sa social media. Ilang araw pa lang naman ang nakalipas simula nang mamatay ako." Naging matunog ang pagbusangot nito.

"Okay lang sa 'yo?" Dinapuan ulit siya ng paningin ko.

"Ang alin?" He arched his eyebrows.

"Ang mamatay." Pagkaklaro ko.

Lumibot naman ang paningin niya na parang naghahanap ng maisasagot.

"Syempre hindi. Kaya nga lang ay nangyari na. Wala na akong magagawa." Tinitigan niya ako. "Maswerte ka."

Pumait naman ang mukha ko. "Paano mo naman nasabi?"

"Hello, malamang kasi buhay ka pa. Puwede mo pang magawa 'yung mga bagay na makapagpapasaya sa 'yo. Like your dreams." He smiled a bit.

"Nasasabi mo lang 'yan kasi wala ka naman sa pwesto ko. Mahirap din kayang palaging kasama na lang 'yong mga multo. Gusto ko rin naman ng tao 'no."

Tumango siya na parang naintindihan na ang point ko. "You can still change yourself, you know?"

"Paano naman?"

"Makipagkaibigan ka. Gusto mo pala ng kaibigan hindi ka naman gumagawa ng paraan."

Aba, kung gano'n lang kadali baka lahat ng nasa school ay tropa ko na.

Mahina na lang akong natawa habang umiiling.

"Matutulog na 'ko." Paalam ko sa kaniya. Dapat na kasi siyang umalis dahil gagawin ko pa ang business ko.

"Edi matulog ka. Wala namang pumipigil." Tamad na lumingon ako sa pwesto niya.

"Oo nga, pero kailangan mong lumabas sa kwarto ko."

"What for? Hindi naman ako manggugulo."

Umirap ako sa dahilan niya. "Presensya mo pa lang dito nagugulo na 'ko. Ngayon, labas na. Bukas ka na ulit mangulit para naman may energy ako." Inayos ko ang unan ko. Hihiga na sana ako pero natigil nang hindi kumilos ang lalaki. "Ano pang hinihintay mo? Taglagas? Labas na."

My Spirit Man Where stories live. Discover now