Kabanata 14: Interrogation

311 33 20
                                    

Gab's point of view

Magtatagal pa sana ako sa playground na 'yon kasama si Alexander pero mas pinili ko nang umuwi. Maalala ko pa lang 'yung itsura kahapon ni Nanay nakokosensya na akong umuwi nang late.

Sobra raw ang pag-aalala niya sa akin at halos mahimatay pa nga dahil sa itsura ko. Marumi ang suot kong uniporme no'n at may bahid pa ng dugo na galing sa polo ni Kuya--Zale.

Sino nga namang hindi mag-aalala sa gano'n, 'di ba?

Nahirapan pa akong magpaliwanag kasi inuunahan ako ng kaba. Hindi ko sinabi sa kaniyang muntik na akong magahasa. Ang ikinuwento ko na lang ay muntik akong masaksak ng isang holdaper dahil nanlaban ako. Ang lame 'no?

Pero sa huli, mukhang hindi ko rin nakumbinsi si Nanay. Naniniwala pa rin siyang dahil 'yon sa mga kaluluwang nakikita ko, which is true.

"Ano nang plano mo ngayon?"

Naagaw ko ang atensyon nito. "Hmm, maghihintay? Hindi naman ako nagmamadali e."

Bumuntong hininga ako. "Okay. Tama 'yan, naubos din ang ipon ko nung isang linggo dahil sa 'yo e."

Nanlaki naman ang mga mata niya at napahinto. Huminto rin tuloy ako para inosente siyang harapin.

"What?"

"Wala." Maglalakad na sana ako paabante pero napahinto rin nang higitin niya ang braso ko.

"Sige. Ano bang gusto mong kapalit?"

Hindi ko mawari kung tatawa ba ako o seseryosohin ang tanong niya. Naitikom ko na lang ang mga labi bago siya nilampasan.

"Hoy," tawag niya pero hindi na ako lumingon.

Huwag kang ngingiti.

"I'm serious, tell me." Pinigilan ulit ako nito kaya nagkunwari akong naiinis.

"'Wag na lang. Baka hindi mo rin maibigay kung sasabihin ko pa."

"You're acting weird today." Aniya. Mataman pa akong tinitigan.

Umangat naman ang mga kilay ko. "Weird naman na talaga ako dati pa."

"But today is different. I smell something fishy--"

"Papasok na 'ko. Ingat ka." Sabi ko nang nasa tapat na ako ng pinto.

"Hindi mo ba ako patutuluyin?"

Tumawa ako nang mahina. "Tapos na free trial mo rito, ingat." Pinigilan kong mapangiti habang papasok.

"Gab," sinalubong ako ng mapanuring tingin ni Nanay kaya kinabahan ako. "Magbihis ka na sa taas at may pag-uusapan tayo."

Naestatwa ako nang panandalian bago umakyat sa taas. Mabagal ang naging kilos ko. Sobra akong kinakabahan sa tono pa lang ng pananalita ni Nanay. Mukhang seryoso ang pag-uusapan namin.

Sumilip pa muna ako bago bumaba nang tuluyan. Hindi man lang nagbago ang itsura ni Nanay simula nang makapasok ako rito.

Tumikhim muna ako bago umupo sa katapat na upuan. "Ano po ba 'yon, Nay?"

Suminghap muna ito ng hangin bago sinimulan ang pagsasalita. "Tungkol ito sa nangyari sa 'yo kahapon." Napatango ako. "Sa susunod na makatagpo ka ng espiritu ay iwasan mo na lang hangga't maaari. Ayoko nang nasasangkot ka sa gano'ng bagay lalo na't napahamak ka na. Sana ay sundin mo ang sinasabi ko sa 'yo, Gab."

My Spirit Man Where stories live. Discover now