Kabanata 16: Serious mode

277 29 24
                                    

Zhem's point of view

"Bibisita ba tayo ngayon, Kuya?"

He just shrugged. "Marami akong tatapusing paper works."

I rolled my eyes while watching him. "Wala ba kayong sembreak?"

"Saka ka na mangulit, Zhem. Kapag natapos ko naman 'to agad bibisita tayo kay Alex."

"Fine." Pinag-krus ko ang mga braso bago tumayo papunta sa kwarto.

I was planning to just visit Alexander the whole week. Para naman makabawi ako noong mga nakaraang linggo. Naging busy kasi kami sa school. Hindi naman ako pwedeng magpabaya dahil para rin 'yon sa kapakanan ko. Kahit ayaw ko, inalis ko muna ang kalagayan niya sa isip ko para mas makapag-focus. Nadi-distract kasi ako tuwing naiisip ko siya.

Isinarado ko ang pinto nang makapasok. Dumiretso ako sa kama saka humilata.

Gusto ko rin sanang imbitahan dito si Gab kaya lang may plans na pala siya. Sayang naman, gusto ko pa naman ng ka-kwentuhan. Malamang magkakasundo kami dahil pareho kaming nakakaramdam ng spirits. I also want to talk about Alexander with her.

"Why can't I see spirits? Sana katulad niya na lang din ako." I whispered.

Actually, I envy her. Siguro kung katulad ko rin siya, hindi ako mahihirapang hanapin ang kaluluwa ni Alexander. I always think about that, kaya nga nakipagkaibigan ako sa kaniya. Maybe she can help me with that. Hope so.

And so I reached my phone on the table beside my bed. Sinimulan ko ang pagta-type ng message sa kaniya. Sasabihin ko lang na mag-ingat siya at sana mag-enjoy siya sa pupuntahan nila.

Nakakailang minuto pa lang nang maka-receive ako ng reply sa kaniya. My eyes got wider at her reply.

Gab: Nagpaiwan na ako. Marami akong aaralin this sembreak kaya mas maiging mag-stay na lang.

Napangiti ako at mabilis na nag-type.

Me: So, you can come over to our house na?

Gab: Hindi ko alam e. Kailangan kong bantayan ang bahay namin. Mahirap na, baka manakawan pa kami. Hehe.

Tumingala muna ako saglit habang kagat-kagat ang ibabang labi bago nag-isip ng isasagot.

Me: Aw. Ganito na lang, I'll ask my parents if I can come over to your place. Tapos kapag pinayagan ako, edi diyan na lang ako mags-stay buong linggo. Fun, isn't it?

I waited for her reply with a smile.

Typing...

Gab: Sigurado ka? Walang aircon dito sa amin. Baka mabagot ka pa.

Me: Nah, as long as you're with me feeling ko naman we can enjoy each other's company. Please, pumayag ka na.

Gab: Haha, hindi ka pa nga pinapayagan ng parents mo e.

Me: I'll convince them. Just wait :>

Gab: Ikaw bahala. Sige, maglalaba lang ako.

Me: Okay!

I happily returned my phone to the table.

This will be fun!

•••

The next day, hinanap ko agad sina Mommy. Sunday naman na at kagabi ay nakauwi na sila.

I searched the whole living room. "Where's Mom and Dad, Kuya?" Tanong ko sa nanonood ng TV kong kapatid.

My Spirit Man Where stories live. Discover now