Kabanata 12: Danger

304 34 41
                                    

WARNING: Rated PG. Strong languages may be seen in this part.

Gab's point of view

"Alis na po ako." Matamlay kong paalam kay Nanay.

Natunugan niya naman iyon kaya taka ako nitong tinitigan.

"May sakit ka ba? Parang ang tamlay mo yata?" Umiling lang ako.

"Kulang lang po sa tulog, Nay. Sige po, aalis na 'ko." Pilit na ngiti lamang ang nagawa ko.

Panay ang pagbuntong hininga ko sa paglalakad. I'm still thinking kung ano ba talaga ang nararapat na hakbang para hindi na ako guluhin ng babaeng 'yon.

Maiba ako, pansin ko lang, pagkatapos nung debut ni Zhem hindi ko na nakita si Alexander. Don't misinterpret this, curious lang naman ako. Nasanay kasi akong nandiyan 'yang maarteng nilalang sa bahay kaya hinahanap ko--

Ano? Anong hinahanap? Ugh! I must be crazy.

Umiling ako sa naisip. Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad papunta sa school.

"Hi, Gab." Zhem greeted.

"Hello."

"Are you free this saturday?" Nagsalubong naman ang mga kilay ko.

"Bakit?"

"May ipapakilala lang sana ako sa 'yo. Baka lang makita mo siya." Umilap ang tingin niya. Parang nahihiya siyang sabihin iyon.

"Makita ang?" Sasagot na sana siya kung hindi lang pumasok ang guro.

"I'll tell you later." Bagabag siyang humarap sa guro at nakinig.

Siguro importante ang sasabihin niya.

Umayos na lang din ako ng upo. Hindi ko muna inisip ang sasabihin niya para makapakinig ako sa discussion.

Umusad nang mabilis ang oras. Breaktime na kaya naman nag-aya sina Myra at Jake na kumain sa cafeteria pero tumanggi si Zhem.

"I have something to discuss kay Gab e. Mauna na kayo, susunod na lang kami."

Nagtataka man ay pumayag na lang ang dalawa. "Sunod kayo ah?" Ani Myra. Tumango naman kami kaya umalis na sila.

"Ano ba 'yung gusto mong sabihin?" Una ko.

Huminga muna ito nang malalim bago nagsalita. "I have this friend kasi na..." Para siyang namatayan ng sigla at lumamlam na lang bigla ang mata niya. "Na nasa ospital. He is still not waking up at nagbabakasakali akong maramdaman ang spirit niya pero I can't." Naguluhan naman ako sa sinabi niya.

Sabi niya ay nasa ospital tapos hindi niya maramdaman ang kaluluwa? E kung nasa ospital lang naman at nagpapagaling ay hindi pa hihiwalay ang kaluluwa sa katawang lupa. Nalilito ako.

"Huh? Sorry, medyo naguguluhan kasi ako e."

"Ang totoo kasi niyan--" bigla na lamang siyang naluha.

Hindi naman ako magkandaugaga sa pagpapatahan sa kaniya. Kahit nga ang atensyon ng iba naming kaklase ay napunta na sa kaniya dahil sa pag-iyak niya bigla.

"U-Uy... 'Wag ka na umiyak, kung hindi mo pa masabi ngayon ayos lang naman. Makikinig pa rin ako next time. 'Wag ka na umiyak, Zhem." Hinawakan ko siya sa magkabilang braso para patahanin.

What should I do?

Nang hindi pa rin siya makakalma ay kinuha ko na sa bulsa ang panyo ko para iabot sa kaniya. Walang salitaan namang kinuha niya iyon at ipinahid sa kaniyang mga mata.

My Spirit Man Onde histórias criam vida. Descubra agora