Kabanata 19: Why?

274 28 3
                                    

A/N: Parang kanta pala 'yung mga title ko. Sa recent, Tell me. Tapos ngayon, Why? naman. Backstreet boys? Baka sa susunod, Ain't nothing but a heartache na ang title! (≧▽≦) Abangan! Haha!

***

Gab's point of view

Natulala ako sa mukha niya. Tinakasan na yata ako ng kaluluwa e. Sana lamunin na lang ako ng lupa.

Argh! Bakit ka ba kasi kinakabahan?!

"Speak. Bakit nakatulala ka lang?" Utos nito kaya huminga na ako.

Nakailang singhap muna ako bago magsalita. "Alam ko na kung...nasa'n ang katawan mo." Sa wakas, nasabi ko rin.

Para naman siyang natauhan tapos ay nanlaki ang mga mata. Inalis nito ang magkasalikop na mga braso saka hinintay ang sagot ko.

"What?"

"Nakita--"

"Where?" Kainis, magtatanong-tanong tapos 'di ako patatapusin.

"Isa 'yong private hospital na malayo rito, katulad nung sinabi mo. Personal ko na ring nakita ang mama mo, she looks fine pero alam ko na hirap na 'yon dahil sa kalagayan mo."

Naging kapansin-pansin ang ingay na gawa ng ulan dahil natahimik kaming pareho. Nagbaba ako ng tingin. Awkward.

"Doon ka nanggaling?" Tumango ako. "With Zhem?" Mariin naman akong napapikit. "Ano naman ang ginagawa niya ro'n?"

"May...kinalaman kasi siya sa buhay mo. Malaking parte siya na kailangan mong maalala." Doon ko lang nilabanan ang nagtataka niyang mukha.

Umupo ito sa katapat kong upuan bago ako masugid na tinitigan. Bakit na naman?!

Para akong pagagalitan at bigla ko na lang inayos ang upo ko. Nakasandal ang likod ko sa sofa at nakapatong ang mga kamay sa hita. Kagat-kagat ko ang ibaba kong labi.

"Wait, did you tell them about me already?" Aniya.

"Hindi pa. Hindi ko alam kung paano ipaliliwanag e."

"Mabuti naman."

Lumawak agad ang pagkakabukas ng mata ko at napaangat ang dalawa kong kilay. Mabuti naman?

[Zale's point of view]

"Where are you going at this hour?" Dad approached me.

"Kay Alex lang po, Dad." Dad nodded slowly.

"Mag-iingat ka ah? Maulan pa naman, bagalan mo ang pagpapatakbo." Utos niya na tinanguan ko lang.

"Okay po, I'll leave now." I said as I made my way to the car.

It's already 11PM, and because I still can't sleep, doon na lang muna ako. Kukumustahin ko lang din si Tita.

Mabilis kong narating ang ospital. Matapos kong maiparada ang kotse ay nagtungo na ako sa elevator bago kinuha ang phone sa suot na jacket.

Gusto ko sanang tawagan si Gabrien para i-check si Zhem dahil kanina pa hindi sumasagot. Aktong pipindutin ko na ang call nang bumukas ang elevator. Lumabas ako habang umiiling bago ibinalik sa jacket ang phone.

"Tita," bungad ko nang makapasok sa loob ng kwarto ni Alex.

Napatayo ito mula sa sofa upang salubungin ako ng saglit na yakap. "Anong oras na ah? Bakit bumisita ka pa?" She asked.

My Spirit Man Where stories live. Discover now