Kabanata 27: Felix

267 22 11
                                    

Gab's point of view

School year has now ended. It was fun, despite all the hardships and sadness. Finally, we are going to the next stage.

"Sure ka na talaga? Hindi na ba magbabago ang isip ng family mo?" Zhem asked, still hoping.

Sa wakas ay unti-unti nang bumabalik ang dating sigla niya. She is recovering herself. Masaya ako para sa kaniya. Siguro may maganda na ring nangyari sa buhay niya these past few months.

Nasa mall kami ngayon, last gala raw sabi niya. Para naman daw may memories kaming dalawa bago ako umalis.

Mahina akong natawa. "Sorry. Planado na talaga kasi, e. Puwede naman akong bumisita rito tuwing may oras ako pati sina Papa."

She clung her arm on mine. "Sayang. Ghost hunting sana tayo sa haunted mansion malapit dito," biro niya.

Hindi makapaniwala ko siyang binalingan.

"Nakuuuu. 'Yan ang 'wag na 'wag mong gagawin. Baka magsisi ka rin sa huli."

"I was just planning about it anyway. Pending," hinatak niya ako sa isang clothing store.

"You like this one? I can buy it for you. Para may remembrance," masayang sabi niya.

Umiling lang ako saka tumawa. "Huwag na, sayang pera. Masyadong mahal, e."

"400? Expensive na 'yan sa 'yo?" she frowned afterwards before taking the dress.

Hindi naman ako mahilig sa mga dress, pero sige na nga. Baka isumpa niya pa ako sa pagtanggi ko, e.

"Ang bilis ng panahon, 'no?"

Nilingon ko naman siya. "Siguro. Lalo na kung iisipin mo."

Sinang-ayunan niya lamang iyon gamit ang pagtango. Naging tahimik na kaming dalawa kaya na-wirduhan ako. Nang tingnan ko naman siya ay nandoon pa rin sa mukha niya ang tipid na ngiti. Tila ba ginagamit niya iyon upang itago ang tunay na nasa loob niya.

"If ever na magbago ang isip mo, kaya mo mag-switch ng strand?" bigla nitong tanong.

"Depende. Bakit? Ikaw ba?"

Nag-isip naman ito. "To be honest, I want to change my strand. I want to take Tourism."

Kaunti kong itinango ang ulo ko. "Ah. Pero, bakit mo naisipan na magpalit?"

"I want to go to places. I want to travel and explore the world," aniya.

Mababakas din ang saya sa mukha niya nang aminin iyon. I wonder what was the main reason to that. Alam ko may iba pa.

"Actually, I want to fix myself away from here. Marami kasing masasakit na memories dito."

Tama nga ako.

Napangiti na lamang ako. "Good luck on your dream."

Magiging mahirap ang pagpapalit ng strand lalo na kung wala kang alam sa bagong aaralin mo. Sana lang ay makayanan niya ang ganoon.

"Thank you," saka siya pumunta sa counter para magbayad.

Zhem still thinks about him.

Inubos namin ang mga natitirang oras sa mall. We enjoyed each other's company the whole afternoon. May ilan din siyang naikwento about kay Alexander pero inalis ko naman agad 'yon sa isip ko pagkauwi.

My Spirit Man Where stories live. Discover now