Letter #1 - My Sun, My Universe

9.7K 200 9
                                    

First Upload: March 6, 2021 to April 18, 2021

**********

Dear Big Daddy,

Hindi ko malilimutan ang araw nang una kitang makita, Dad. Lahat halos kami sa Econ 11 ay nasa klase na noon. Terror teacher kasi si Dr. Dominguez and she was very particular about punctuality. Ultimo isang minutong tardiness ay malaking bagay sa kanya. Tapos ikaw, late ka na nga, pero wala pang pagmamadali sa bawat hakbang mo. You were so confident when you walked inside the room. Para bagang tingin mo'y saka pa lang magsisimula ang lahat kapag nandoon ka na.

Iba talaga ang dating mo, Dad. Sabi ko nga sa sarili ko noon, grabe naman ang lalaking ito. Nang namudmod ng kagwapuhan ang Diyos, ang agang nagising at front row pa! Kaya hayun, wala nang natira sa iba! J

Would you believe it, Big Daddy? Ang isang istriktang propesor na si Dr. Dominguez ay hindi nagalit nang pumasok kang fifteen minutes late! Life is so unfair! O baka totoo nga ang sabi-sabi ng mga kaklase natin noon na na-love at first sight sa iyo si Ma'am! Sino ba naman ang hindi? Bagyo ang dating mo, Dad! Kabog kaming lahat!

You just do not know how flattered I was when you chose to sit by my side. Ang daming bakanteng upuan noon. Naroon ang sa tabi ng isang kandidata para sa Binibining Maynila. Wala ring nakaupo sa gilid ng commercial model for Camay,iyong usong sabong pambabae noon. At higit sa lahat, vacant din ang nasa tabi ng first runner up for Binibining Pilipinas! But you chose to be by my side! Pakiramdam ko noon, ako na ang pinaka-maswerteng babae sa buong planeta. Katabi ko lang naman kasi ang pinakagwapong lalaki hindi lang sa campus kundi sa buong mundo! I was giddy the entire class. Siguro hindi mo napansin. Abala ka kasi sa binabasa mong libro. Kung alam mo lang...Nagkaanak na agad tayo no'n sa isipan ko! Yeah, Dad. Advance ako mag-isip!

Kidding aside, Dad, the day you walked into that door of our Econ 11 class was the most exciting day of my life! Before I met you, akala ko love was overrated. Lagi ko nga kinukurot sa singit noon ang mga tinedyer kong pinsan sa tuwing nagtititili sila kada daan ng crush nila sa tapat ng bahay namin sa Tondo. Pero hindi pala sila nag-iinarte lang dahil nang makilala kita, ganoon din halos ang naging reaksiyon ko sa tuwing nakikita kitang dumadaan sa hallway kahit noong mga panahong hindi ka aware sa existence ko. Walang halong exaggeration iyon, Dad. You were my sun. Sa iyo lang umikot ang mundo ko.

I still love you so much, Dad.

Your baby,

Isadora

DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)Where stories live. Discover now