Letter #21 - Tanglaw

499 40 6
                                    

Dear Big Daddy,

Ito ang araw na nabalitaan kong bumalik kayo ng bride mo sa Norway. Hindi raw kaya ng asawa mo ang grabeng init sa Pilipinas according to the entertainment news report na nasagap ko sa TV. Bigatin ka na pala, Dad. May painte-interview ka na sa telebisyon. Unti-unti nang nagkakahugis ang pangarap ng mga magulang mo para sa iyo sa larangan ng negosyo.

Seeing you for the first time on TV then after almost half a year of not seeing you made my heart flipped. Pati ang baby sa tiyan ko ay tila tumambling din sa tuwa. Sobrang therapeutic marinig muli ang boses mo, Big Daddy, kahit sa TV screen na lang. Pinagalitan ko nga ang sarili ko. Ang OA ko, di ba? Dapat sana'y hindi na kita iniisip pa. Dapat kinalimutan na kita agad nang hindi mo na ako hinanap matapos kong sabihing hindi ko maiiwan ang mama ko para sa iyo. Pero ang tanga ko. Hindi ko kayang diktahan ang puso.

Dahil hindi ko na naitago ang paglaki ng tiyan sa mga panahong ito, napilitan akong mag-resign sa trabaho ko. My boss told me at that time that I could come back anytime I wanted to provided that I could show proof that I got married. Mahirap na raw kasi. Baka ma-question sila ng ibang empleyado. Sa HR pa man din ako naka-assign. Dapat kaming mga taga-human resources daw ay nagpapakita ng magandang ehemplo para sa lahat.

Alam mo, Dad, sa totoo lang, natakot ako sa puntong ito ng buhay ko---namin ni Baby. Mas angkop siguro sabihing, natakot ako nang sobra para sa anghel natin. Biruin mo, ni hindi naman niya hininging mabuhay tapos heto. Dahil sa pagiging iresponsable natin nang gabing iyon ay nadala natin siya rito sa mabagsik na mundong ito.

All my life I had hopes and dreams for a better family for my children. Pinagkait kasi ng tadhana ang isang magandang childhood sa akin. I grew up without a father's love. Si Mama naman ay kailan lang bumait. Buti na lang at huli mang naturingan umabot pa rin. Kaya nangarap ako buong buhay ko na magkaroon ng isang kompletong pamilya. Iyong may magigisnang tatay at nanay ang mga anak ko. Hindi ko sukat-akalain na mananatiling pangarap lamang iyon.

Napansin mo ba, Dad? Sinumpa ko noon sa sarili na hindi tutulad kay Mama, pero doon din pala ang bagsak ko. Mayaman at may sinabi ang tatay ng anak ko, pero iniluwal ko siyang pobre. Parang ako noon. Isang makapangyarihang politiko sa Maynila ang papa ko, pero ako'y lumaki nang salat sa lahat ng bagay. History repeated itself. And that made me so sad. Not only for myself but for our little angel.

Habang binabalikan ko ang ating nakaraan, ilang beses akong napaluha. Sinisi ko rin ang sarili ko. Ilang beses mo pala akong binigyan ng pagkakataon na mabago ang love story natin, pero pinalampas ko lahat ng mga iyon. Sabi ko noon, I made the right decision. Sabi ko pa hindi ko pagsisisihan ang mga naging choices ko. Pero nang dumating si Baby naisip kong wala akong kwentang ina. I did not try hard enough to give him a better family.

Alam mo Dad, dahil sa mga guilt feelings at mga pagsisisi ko, bumalik pa uli ako sa inyo. Siguro nang mga panahong iyon ay halos kapanganakan ko na. I saw your dad this time. Medyo nagulat siya nang makita ako sa guardhouse ng village n'yo. From the window of his car, he stared at my belly. Sigurado ako roon, Big Daddy. Hindi man niya inamin sa gwardiya na kilala ako, naisip ko pa ring siguro naman ay mabanggit niya sa iyo ang kalagayan ko. Kahit pagdudahan pa niya kung sino ang ama ng anak ko. Alam ko kasing kapag nalaman mong buntis ako ay baka maisip mong ikaw nga ang ama at balikan mo kaming mag-ina.

Matuling lumipas ang mga buwan. Isinilang ko si Baby nang hindi ka nagpakita. Napag-alaman ko na lang sa mutual acquaintance natin na nagtayo kayo ng asawa mo ng ski resort sa Norway. Nabalitaan ko ring nanganak din ang asawa mo roon. Dobleng dagok iyon sa akin, Dad. Pakiramdam ko pinagsakluban ako ng langit at lupa. Kung hindi lang dahil sa cute na cute nating anghel ay matagal na akong nag-give up sa buhay.

Speaking of our little one---he was a bouncing baby boy, Big Daddy. At kamukhang-kamukha mo siya. Nakikita ko ang mga mata mo sa kanya pati na ang manipis na upper lip at full and sensual lower lip. Saka pareho rin kayo ng hugis ng ilong. Tisoy din siya, Dad. Sa tuwing nakikita ko siya, naaalala ko ang masasaya nating sandali. How I wished nakilala mo ang ating anak.

Pinangalanan ko pala siyang Tanglaw---Tanglaw Ramirez. Hangad kong balang-araw ay hindi siya tumulad sa atin---lalung-lalo na sa amin ni Mama.

Dasal ko na sana, balang-araw ay magtagpo rin ang landas ninyo ng ating anak. At sana hindi ka tumulad sa Papa ko na ikinaila niyang may anak siya sa labas. Nakikiusap ako, Big Daddy. Sana this time ay ipaglaban mo nang buong-buo ang baby natin. He deserved it.

Your baby forever,

Isadora

DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)Where stories live. Discover now