Letter #15 - 'Beautiful' is made for me

578 35 2
                                    

Dear Big Daddy,

How do I love thee? Let me count the ways...You awakened the poet in me, Dad.

Sa totoo lang, nang bumaba tayo sa harapan ng mansion ninyo sa Forbes Park that night, biglang nangatog ang mga tuhod ko at halos ay hindi ko na maihakbang ang mga paa ko. Kung napansin mo, muntik na akong matumba no'n. Buti na lang, nakaalalay ka agad sa akin. Nanlamig pa nga na parang binabad sa yelo ang mga kamay ko. But instead of pointing it out gaya siguro ng ibang lalaki, you simply turned to me and smiled. Tapos hinagkan mo pa ako sa sentido. Wala kang binanggit na kung ano about what you may have noticed that indicated my nervousness.

Alam mo Dad, nakatulong sa akin iyon. Lumakas ang loob ko dahil hindi mo man nabanggit, I knew you were there for me. I felt it in the way you held my hand. Ang higpit ng kapit mo. Sometimes, you even stroked it with your thumb. Hindi mo lang alam kung gaano iyon ka reassuring for me lalo pa't nakita ko nang nakaabang na sa atin sa harapan ng front door ang mama mo.

Hindi ko malilimutan ang una mong sinabi nang makaharap na natin ang mga magulang mo. Pinakilala mo akong fiancee. Fiancee, Dad! Hindi ka pa nga nakapag-propose sa akin no'n, eh. Haha!

Grabe ka, Big Daddy. Sobra mo akong ginulat no'n. Hindi ko alam kung napansin ng mama mo ang panlalaki ng mga mata ko. Sino naman kasi ang hindi mabibigla? Ni hindi na natin napag-usapan ang tungkol sa pagtatanan after ma-cancel ang kasal mo sa babaeng iyon, tapos sinabi mo sa kanila na engaged na tayo? Tapos, wala akong suot na ingsing? Haha! Not that it mattered to me then. Alam mo naman, Dad, noon at ngayon, ikaw lang ay sapat na.

Totoo pala ang sabi nila about mansions in Forbes Park. Napatunayan ko nang gabing iyon na sobrang laki nga talaga! Hindi ko sukat akalain no'n na may mga tahanan sa Pilipinas na kay dami ng living rooms! Iba iyong sala n'yo for receiving visitors, iba rin iyong pampamilya, tapos may den pa na parang living room na rin, and then there was another one for entertaining visitors in case they want to watch TV while talking with you. At ang sofa set n'yo in all those rooms were breathtakingly beautiful! Parang pumasok ako sa isang paraiso.

Hindi pala uso ang maliit sa Forbes Park, Dad. That, I realized that night. Sa foyer pa lang ng bahay n'yo kasi, kasya na ang buong street ng barangay namin! Nang gabing iyon naintindihan ko nang lubusan ang sinabi mo noon sa akin na bihira kayong magkitang mag-anak sa loob ng mansion n'yo kahit na nandoon lang din kayong lahat. Sa laki kasi ng bahay n'yo maliligaw kahit na sino, Big Daddy!

While I appreciated your mother's gesture then in inviting me into your home, I also couldn't help but noticed how she scorned at my appearance. Ewan ko kung napansin mo rin iyon. Siguro hindi niya nagustuhan ang sinuot kong kulay asul na flowing skirt na lampas tuhod o ang puting blusa na may puffed sleeves at light blue lasso sa bandang dibdib. Medyo nakaka-disappoint lang dahil I spent all my savings in that dress. Sinadya ko pa sa Divisoria kasama ang step-in sandals na sapin ko sa paa. I tried to shrug it off, pero kada tingin niya medyo nanliliit ako. Buti na lang you were there to assure me that I looked just fine.

Hindi ko makalimutan nang sinundan mo ako sa powder room for visitors and hugged me from behind. Your reassuring kiss on my neck was enough to give me confidence. Hindi ko malilimutan ang mga katagang sinabi mo noon sa akin. "The word beautiful was made for you, Isadora. Do not allow anyone to make you feel less---not even my mother." Dahil doon, naka-survive ako sa halos isang gabing scrutiny ng mga magulang mo. Haha!

Habang kumakain tayo ng samu't saring putahe na hinanda ng parents mo para sa akin nang gabing iyon, naisip ko si Mama. Sabi ko sa sarili ko, sana'y naisama ko man lang siya sa inyo. Sana naipatikim ko sa kanya kung gaano ka sarap ang steak na gawa sa Kobe beef na may kasama pang super-sarap na onion rings. Ni sa hinagap, hindi ko alam na maaari palang i-fried ang sibuyas! Saka ang mac and cheese n'yo, Dad. Heaven! Alam kong ordinaryo mong kinakain ang mga ito lagi pero sa isang katulad ko na bihirang-bihira nakakatikim ng keso, kakaiba ang experience ko nang gabing iyon. Thank you for that experience, Big Daddy. Alam mo talaga kung ano ang gusto ko.

Nang nililigpit na ng mga katulong n'yo ang daming tirang pagkain, a part of me wanted to tell them na ibalot ang mga iyon, pati na ang hindi naubos ng mga magulang mo. Nakikinikinita ko kasing ngingiti nang hanggang tainga ang mga kapitbahay ko kung mababahagihan ng mga iyon. Kahit iyong crunchy French baguette man lang. Pero alam kong hindi lang raised eyebrows mula sa mama mo ang matatanggap ko kapag humingi ako ng pasalubong para sa nanay ko't malalapit na kapitbahay. Palagay ko iismiran niya ako at lalong iismolin kung kaya sinikap kong h'wag matuksong mag-request no'n sa iyo. But then, you surprised me, Dad! Pagdating natin sa barung-barong namin ay may dala ka pala hindi lang para sa mama kong matiyagang naghintay sa pagbabalik ko, kundi pati na rin sa mga tsismosa kong kapitbahay! At hindi tira natin ang pinansalubong mo kundi sinadya mo pang pinaluto sa mga katulong n'yo! Naging bukambibig ni Mama ang beef stew na bigay mo for the entire month. Naloka ako. Haha! The best ka talaga, Big Daddy!

I will always remember that night not because of the food I feasted on, but because of how special you made me feel, Dad. Lagi kong tinandaan ang sinabi mo noong the word beautiful was made for me. Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako sa tuwing naaalala ko iyon, Big Daddy.

Your baby forever,

Isadora

DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon