Letter #23 - To the Moon and back

505 50 14
                                    

Dear Big Daddy,

Ilang gabi akong hindi pinatulog ng konsensya ko, Dad. Matapos kong ipamigay si Baby Tanglaw, hindi na ako matahimik. Sa unang gabing nawalay siya sa piling ko, nanaginip ako. Nasa dagat daw kaming tatlo nila Mama. Bigla na lang daw bumagyo at bago ko pa mamalayan ay inanod na raw si Baby papunta sa dagat. Hinabol daw namin siya ni Mama ngunit dahil pareho kaming hindi marunong lumangoy, lumubog kaming dalawa. Kung si Ermat ay nagpatangay na lang sa agos, nagpumilit daw akong lumaban hanggang sa nadala ko ang sarili paibabaw ng tubig. Kaso nga lang, wala na ang ating munting anghel. Hindi ko na siya nakita. Grabe raw ang hinagpis ko't sumigaw ako nang sumigaw. Nagising akong tagaktak ng pawis ang buong katawan. Tapos nakita ko si Mama na nakatunghay sa akin at tinatapik-tapik ang pisngi ko habang ako'y ginigising. Nayakap ko siya nang mahigpit and heaved a sigh of relief dahil at least siya'y nakaligtas. Nang mahimasmasan ako't napag-alaman na panaginip lamang ang lahat at si Baby Tanglaw ay wala na sa amin dahil kinuha na ng madreng magpapaampon sa kanya, lalo akong nanangis. Tahimik lang si Mama habang niyayakap ako't tinatapik-tapik sa likuran.

Ewan ko, Dad. I knew I did the greatest sacrifice any mother would do for her child. Alam ko rin na mas mapapabuti si Baby sa piling ng iba, pero hindi ko pa rin naiwasang h'wag malungkot. I was so disappointed with myself. Pakiramdam ko napakawalang-kuwenta kong ina.

Pasensya rin, Dad. At this point of my life, I found myself hating you. Sinisi kita. Sabi ko sa sarili, if you really, really loved me as you told me you did, dapat ay hinanap mo ako. Dapat hindi ka sumuko agad. Bakit hindi mo ako pinilit noon? Hindi ba buo sa loob ang alok mo? Ang dami kong naging katanungan sa isipan noon. But I would end up blaming myself more, than blaming you. Nakailang proposal ka sa akin noon, di ba? They may not be what a girl dreamed of a marriage proposal, but it was an authentic proposal nonetheless. Kung bakit kasi nagpakipot pa ako gayong nagawa na natin nang ilang ulit ang dapat sana'y para lamang sa isang mag-asawa.

Gulung-gulo lagi ang isipan ko, Dad, simula nang mawala sa paningin ko si Baby Tanglaw. Buti na lang nakahanap agad ako ng trabaho. Hindi na ako namili pa. Sinunggaban ko ang isang factory work na malapit sa amin. Hindi ko na naisip na it was beneath my qualification. Biruin mo, nagtapos ako ng sikolohiya sa isang state university pero sa factory lang ang bagsak ko? Nahirapan kasi akong maghanap ng trabaho na katulad ng nakuha ko dati kasi nagkaroon ng gap ang employment record ko. Idagdag pa riyan, namili ako ng trabahong malapit lang sa tinitirhan namin para araw-araw kong mauuwian si Mama. Saka tipid din iyon sa renta sa bahay, di ba?

My hectic schedule at work helped me calm my nerves. Kapag nasa trabaho, pansamantala kong nakakalimutan ang bata. Kaso nga lang pagdating ng bahay ay maaalala ko na naman siya. Iiyak na naman ako. Nagdesisyon tuloy kami ni Mama na pumisan na lang muna sa bahay ng isa niyang ate sa Legarda. Nakadalawang linggo rin kami roon bago kami napauwi sa amin. Hindi namin nakayanang mag-ina ang parinig ng asawa niya't mga anak. Kung sa bagay may rason din naman sila. Nakakahawa nga ang sakit ni Mama. Mahirap nang magkalat pa siya roon ng bacteria. May mga maliliit na anak kasi ang isa kong pinsan na nakapisan din kay Tia.

Alam mo, Dad, bunso sa apat na magkakapatid si Mama. Hindi ba kapag bunso espesyal dapat ang turing? Sa kanila ni Mama, hindi. Nasaksihan ko kung paano siya tratuhin ng dalawa niyang ate at kuya. Pinandirihan siya, Dad. Saka sinabihan pang haliparot daw kasi kaya parusa sa kanya ng Diyos ang sakit niya. Nakita kong tahimik lang na tinanggap iyon ng mama ko. Hindi na siya umiyak. Ako ang nag-drama. Nasagot ko pa sina Tia at Tio. Hayun, pinalayas kami ora-orada.

Iyong paulit-ulit na pang-aapi kay Mama sa bahay ni Tia Marina ang nagbigay-linaw sa akin kung bakit ganoon ang ermat ko. Hindi ba't nasabi ko sa iyo noon na mukha siyang bato? Parang walang pakiramdam? Ni hindi ko nga naramdaman agad ang kalinga ng isang ina mula sa kanya. Kaya pala ganoon siya, Dad, kasi tingin ko inapi siya ng mga nakatatanda niyang kapatid buong buhay niya. Hindi rin niya naranasan ang pagmamahal ng isang pamilya. Totoo pala ang sabi noon ni Professor Fernandez, ang propesor natin sa Humanities. "You cannot give what you do not have."

Ang sabi ng mga kapitbahay namin na nakakakilala sa kanila simula't sapol, maaari raw dahilan ang inggit. Sa lahat kasi sa kanilang magkakapatid na babae, si Mama raw ang pinagpala---ang siyang nagmana ng dugong Kastila mula kay Lolo. Ilang beses nga raw itong naging Reyna Elena sa Maynila dahil namumukod-tangi ang ganda. Iyon nga raw ang dahilan kung bakit nagkurus ang landas nila ni Mayor, ang walanghiya kong ama.

Noong pagbalik namin ng bahay, Dad, bumalik din sa alaala ko si Baby Tanglaw. But this time, I was determined not to allow my emotions to influence my decisions. At napagdesisyunan ko nang hindi na kami aalis sa amin. Bahala na.

Matindi pa rin ang emptiness na naramdaman ko nang mga panahong ito, Dad, ngunit dahil na rin sa suporta ni Mama, nakayanan ko ang lahat. Unti-unti ko ring napatawad ang sarili sa ginawa ko sa anak natin.

Sana, Dad, balang-araw makabawi tayo kay Baby Tanglaw. Kung ikaw ang unang makahanap sa kanya, please kiss my baby for me. Tell him I love him to the moon and back.

Your original baby,

Isadora

**********

A/N: Paramdam naman po kayo. Comment-comment din pag may time. Hahaha!

DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)Where stories live. Discover now