Letter #11 - Always have my heart

669 41 2
                                    

Dear Big Daddy,

I remember this day clearly, Dad. Hindi dahil napag-alaman kong hindi na naman ako makaka-graduate nang semestreng iyon kundi dahil nakarating na sa akin ang balitang kumakalat sa campus na tuluy na tuloy na ang engagement mo sa babaeng iyon. Naisip ko, bilang na pala ang masasayang araw natin. A lot of girls may raise their eyebrows at my decision pero napagpasyahan ko noon na namnamin na lang ang nalalabing araw ng kalayaan mong magmahal ng iba.

Ang sabi ng mga kaibigan ko noon, ang tanga-tanga ko raw kasi. Mayroon na akong pagkakataong maisakatuparan ang pag-iibigan natin kung bakit pinairal ko pa ang kung ano ang dapat. Kung bakit mas nanaig sa aking gawin ang kung ano ang ikasasaya ng ibang tao. Heto tuloy, lumuluha akong mag-isa. Nagdadalamhati...

But then, when I thought about it, I also realized that I was not the only victim here. I knew deep in my heart that you were also hurting, Dad. I knew it.

At night, as I lay on my bed, I wonder about you. Naiisip ko lagi kung ano ang ginagawa mo---ninyo ng babaeng iyon. Just the thought of you and that girl lying in bed in each other's arms make me feel like dying. Hindi ko yata kaya ito, Dad. Nagsisi tuloy akong hindi ko sinunggaban ang ilang beses mo nang inaalok sa akin noon. Sana pala nakipagtanan ako sa iyo!

Ang laki ko kasing duwag, Dad. Nandoon na sana, eh. Ikaw mismo ang naghimok na magtanan tayo noon, pero wala akong lakas ng loob. Nagpadala ako sa takot ko sa mama't papa mo.

Alam kong galit ka sa akin ngayon, Dad, pero sana balang-araw ay maintindihan mo kung bakit nagmatigas ako sa desisyon kong iyon.

Hindi ko pala nasabi sa iyo ito noon at malamang na hindi ko na masasabi sa iyo nang harapan. Pinuntahan ako ng mama mo sa barung-barong namin. Tinakot niya ang nanay ko na kapag hinayaan akong makipagtanan sa iyo, pati siya sampo ng mga kaanak namin at kapitbahay ay mananagot sa kanila ng papa mo. Kilala raw niya ang tunay na may-ari ng lupang kinatitirikan ng munti naming tahanan. Sa oras na sumama raw ako sa iyo ipapasunog daw nila ng papa mo hindi lang ang bahay namin kundi ang buong barangay!

I was tempted to report her to the police then, pero sabi ni Kapitan h'wag daw akong padalus-dalos. Santillan daw kasi ang binabangga ko. Hindi lamang daw kayo mayaman, malaki pa ang impluwensya n'yo sa gobyerno. At pinakita ni Kapitan ang larawan ng mama mo at ni First Lady. Mukha silang mag-best friends!

Naisip ko no'n, kapag pinasunog ang lugar namin saan kami pupunta ni Mama? Marami rin sa mga kapitbahay namin ay wala ring mapupuntahan.

Nainis talaga ako sa sarili ko no'n, Dad. Naturingan akong iskolar ng bayan, pero takot makipaglaban. Pasensya na, Dad. Hindi ako kasing tapang ni Lilli Hilao o ni Archimedes Trajano. Maisip ko pa lang ang pinagdaanan nila, nanlalambot na ang mga tuhod ko. Saka hindi lang naman kasi tungkol sa ating dalawa ang pinoproblema ko. Ayaw kong may madamay na mga inosenteng nilalang nang dahil sa gusto kong tuparin ang sumpaan nating dalawa. I thought then it would be selfish of me to only think about myself---and you.

Sa totoo lang---ikaw talaga ang inaalala ko noon, Dad. Sigurado kasi akong tatanggalan ka ng mana sa oras na ipagpilitan natin ang pagmamahalan nating dalawa. Hindi ko alam kung hanggang saan mo kayang pagtiisan ang lahat. Nasanay ka kasi sa luho. Ni hindi mo nga kayang mag-drive lang ng Toyota. Bumusangot ka nang minsang bawiin ng papa mo ang Lambo mo saka ang Maserati dahil napag-alaman nilang nakikipagkita ka pa rin sa akin kahit na ilang beses ka nang napagsabihang putulin ang ugnayan nating dalawa. Naalala mo iyon? Paano ka na kaya kung bawiin pa nila ang lahat-lahat na, pati na ang kinaiinisan mong Toyota Corolla? Kaya mo kayang maglakad o sumakay lamang ng traysikel? Iniisip ko pa lang iyon, Dad, ako na ang nahihirapan para sa iyo. Sigurado kasi akong hindi mo magagawa iyon. At lalung-lalo nang hindi mo kayang kumain ng madalas naming kaining pagpag!

Mahal kita, Big Daddy. Palagay ko, wala na akong iibigin pang mas higit sa iyo. Gayunman, handa akong magsakripisyo alang-alang sa kapakanan mo.

Hindi kita makakalimutan kailanman. I will always treasure our memories together and you will always have my heart. I still love you, Big Daddy.

Your baby forever,

Isadora

DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)Where stories live. Discover now