Letter #17 - Promise

479 33 1
                                    

Dear Big Daddy,

Alam mo ba kung bakit kita pinakatitigan noong kumain tayo sa canteen after kong maayos ang mga needed paperworks ko for graduation? Ilang beses ka pa ngang natawa at nagpa-cute dahil ilang beses mo rin akong nahuli na titig na titig sa iyo. Ewan ko ba, Dad. Nagawa na natin ang bagay na dapat lamang ay para sa mag-asawa, pero nahihiya pa rin ako kapag nagkatitigan tayo saka kinikilig nang todo. I swear! Haha!

Anyways, going back to why I was staring at you. Gusto ko kasing makakuha ng hint kung sa iyo nga ba talaga galing ang pamana kuno sa amin nila Lolo at Lola. Kaso, wala akong nahita sa facial expression mo nang araw na iyon. Saka iyon nga, parang may pinag-aalala ka na naman. Although you wanted me to see that you were as happy-go-lucky as I knew you to be, your eyes gave you away. Kahit tumatawa ka no'n may napansin akong kakaiba. May lumbay sa iyong mga mata. Hindi ko lang masyadong pinagkaabalahang isipin iyon noon dahil okay na tayo sa mga magulang mo. In fact, your mother would sometimes drop by the university and give me little gifts.

Alam mo, ni minsan noon hindi ko na pinagdudahan ang mama mo. Ang naive ko, ano? Well, siguro ayaw ko lang problemahin no'n ang future. Ang mga kaibigan ko, pati na si Mama, iisa lang ang sinasabi nila noon. Imposible raw na magbago ang pakikitungo ng mother mo sa akin knowing how much she despised the poor.

Hindi ko na pala naikuwento ito sa iyo noon, pero sabi ni Mama nagkataon na nakasabay niyang pumunta sa SM Carriedo ang mother mo one Friday afternoon. Babatiin niya raw sana ito dahil nagkakilala na sila noon sa dati naming barung-barong, but she just snubbed her. Sinabi ko nga kay Mama na baka hindi lang siya nakita nito. But Mama insisted that their eyes locked for a few seconds, then your mama looked away. Saka kinusot-kusot pa raw niya ang ilong na parang nababahuan siya sa ermat ko. Dahil sa insidenteng iyon, nasiguro raw ni Mama na maaaring nagkukunwari lang na mabait ang mother mo sa akin dahil may pinaplanong kung ano sa atin---sa akin to which I responded, "Mama naman, ang advance n'yo mag-isip!"

Habang binabalikan ko ang parteng ito ng buhay natin, winish ko na sana ay nakinig ako kay Mama. Sana naihanda ko man lang ang aking sarili. Maraming sana...

Pero---mahal mo pa rin ako, Dad, right? Looking at you from afar, I knew you missed your baby girl.

I still love you, Big Daddy. And I will always be your baby girl. Promise.

Your baby forever,

Isadora

DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)Where stories live. Discover now