Letter #6 - One and only love

926 54 1
                                    

Dear Big Daddy,

Ang sabi ng mga friends ko no'n, h'wag ko na raw hanapin sa iyo ang mga katagang 'I love you'. Action speaks louder than words 'ika nila. Naipapadama mo naman daw sa akin kung gaano ako ka-importante sa iyo kaya ano pa ang hahanapin ko? Iyon daw ang mahalaga. Aanhin nga naman daw ng isang babae ang 'I love you' kung hanggang salita lang.

Speaking of which, gusto kong sabihin sa iyo rito na kaya nadala ang mama ko sa stepfather ko kahit may asawa na ito nang manligaw sa kanya ay dahil pinapaulanan niya si Mama noon ng 'I love you' saka may kasama pang palumpon ng mga pulang tulips. Nasabi ko na ba sa iyo noon na my mom is a sucker for red flowers? Lalo na tulips! Mayroon kasing manghuhula noon sa Quiapo na nagsabi sa kanya na malalaman na niyang soulmate niya ang manliligaw niya kapag binigyan siya nito ng isa sa mga bulaklak na ito: red tulips, red roses, o red daisies. Si Tiyong ang unang nagbigay ng kulay pulang bulaklak sa kanya kung kaya inisip niyang iyon na ang pinadala ng tadhana para sa kanya. At wala siyang pakialam kahit may pamilya na si Tiyong.

Kaya nga noon sinabi ko sa iyong hate na hate ko ang mga manghuhula, di ba? Kasi nagantso ng isa sa kanila ang nanay ko! Pinaniwala no'n na ang babaero kong stepfather ay siyang soul mate niya! Naku! Kung makita ko lamang ang manghuhula na iyon! Lagot siya sa akin!

Anyways, back to us, Dad. Bakit ganoon? Ang dali lang para sa iyo noon ang maipadama sa aking mahal mo ako, pero hirap kang sabihin ang mga katagang 'I love you.'. Hindi ka ba naniwala no'n na ako ang soulmate mo? Magtatampo na ako sa iyo niyan, Dad, ha? Kasi ako, wala akong duda na ikaw talaga ang 'the one' ko sa kabila ng mga nangyari sa ating dalawa. Damang-dama ko kasi iyon noon (magpahanggang ngayon). Sa tuwing kasama kita wala na akong nakikitang ibang lalaki kundi ikaw lamang.

Naalala ko pa, humingi ako ng paumanhin sa iyo no'n. Naalala mo rin ba? You kept on asking me to get intimate with you at lagi na lang akong may dahilan. Hindi ko naipagkaloob agad sa iyo ang matagal mong iniuungot sa akin. Sabi ko kasi no'n, nangako ako kay Mama at sa sarili ko na ibibigay ko lamang iyon sa mapapangasawa ko. Sabi ko pa, ikaw naman ang lalaking iyon someday kaya bakit hindi mo na lang hintayin?

Binasahan pa kita ng 1 Corinthians Chapter 13, "love is patient, love is kind; it is not easily angered, it keeps no record of wrongs..." Ang dami ko pang sinabi about waiting for the right time. At dahil sa kapapaintindi ko sa iyo no'n, accidentally ay naamin ko sa iyong, 'I love you.' That you were my one and only love. The only man that mattered. And you smiled. Hinalikan mo pa ako sa noo. Kinilig ako nang sobra no'n.

Your baby,

Isadora

DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)Where stories live. Discover now