Letter #18 - Oblation Run

548 39 3
                                    

December 16, 1979---this was the day I heard the bad news. Malinaw na malinaw ang araw na ito sa alaala ko, Dad.

Dapat sana masaya ako sa araw na ito kasi papalapit na ang pasko at for the first time in my life ay makakatanggap ako ng bonus from work. Isipin mo, sa unang pagkakataon sa buhay namin ni Mama ay makakapag-noche buena kami nang maayos! Pero masahol pa sa Biernes Santo ang naramdaman ko on this very day. Napag-alaman ko kasing naantala man ang kasal n'yo noon ng babaeng iyon, natuloy din pala. Inakala kong nagbakasyon ka lang sa Oslo noon para mag-ski gaya ng sabi ng mama mo sa akin. Hindi ko inisip na may plano na pala ang mga magulang mong ituloy na ang naunsyami n'yong wedding ng Norwegian girl na iyon. Ang sakit, Dad! Walang kasing sakit!

Pumunta akong peyups with my friends that day to watch the yearly Oblation Run para kahit paano'y mawala ka sa isipan ko, pero naalala lamang kita nang magsipagtakbuhan na ang mahigit dalawampong APO frat men in their full nakedness.

Habang tinitingnan ko no'n ang isang Oblation runner na lumalapit sa isang magandang freshman, tumulo ang luha ko. It reminded me of you---of us. Nang tumili sa kilig ang babae, kahit lumuluha pa'y napangiti ako. Ganoon din kasi ang naging reaction ko noon.

Naalala mo noong una n'yong ginawa iyon, Dad, to promote Hubad na Bayani? Haha! Natatawa pa rin ako kapag naaalala kitang tumatakbong hubo't hubad. Sa pagkakaalala ko pa, hindi ka agad nakilala ng lahat dahil grabe ang takip mo sa mukha. Tingin ko I was the only one who spotted you first. Mayroon kasi akong pagkakakilanlan sa iyo, eh. Wink, wink.

Tingin ko, kinakutsaba mo ang labing-isa mong brods na bigyan din nila ako ng isang tangkay ng rosas para hindi ka mahalata, ano? Wais ka talaga, Dad. Haha! But then, my friends also spotted you in the crowd of naked guys. Nakilala ka raw nila agad dahil ikaw lang ang may abs noon. Tapos nang halos lahat na'y nagbulung-bulungan kong ikaw nga ba iyon, I denied it to my friends and to everyone who can hear me. But I guess, they didn't believe me. Kasi, later on, napag-alaman kong that Oblation run sealed your status as the hottest heartthrob in campus! Alam mo na ang rason diyan kung bakit. Haha! Kaya alam kong maraming kababaihan ang may lihim na galit sa akin noon. Paano kasi, the hottest guy in campus declared his crush on me in public!

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng bahay in one piece that night. Pero alam mo, hindi ako nagalit sa iyo. Peks man. Alam ko kasing tulad ko'y biktima ka rin. Naniniwala pa rin ako, Dad, na pinaikot tayo ng mga magulang mo kaya siguro madali ka nilang napapayag na sumama sa kanila sa Norway nang Disyembreng iyon. Kasi simula nang maging tayo, you never scheduled a trip abroad on the Christmas month. Nilalaan mo kasi iyon sa dates natin.

Masakit man ang araw na iyon sa buhay ko, mayroon namang pambawi kahit papaano. Alam mo ba, Dad, na sa kauna-unahang pagkakataon ay tumabi sa akin matulog si Mama? Hindi lang siya basta tumabi. She cuddled me. She didn't ask me any questions. I didn't tell her anything either. Pero siguro ganoon talaga kung nanay ka. Ramdam mo kung may pinagdadaanan ang anak mo.

Saka Dad, hindi lang cuddle ang nakuha ko kay Mama nang gabing iyon. She also apologized to me for all the pain she had caused me. At nangako siya na kung tatagal pa nang kaunti ang kanyang buhay ay babawi siya sa akin.

Masakit man ang unexpected wedding mo, Dad, naging thankful din ako kahit papaano. Kasi you brought me and my mother closer.

Ingat ka riyan, Big Daddy.

Still your baby,

Isadora

DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang