Letter #3 - Now and forever

2.5K 75 2
                                    

Dear Big Daddy,

Naalala ko noong unang kumalat sa buong campus na ikakasal ka na raw. Tinanong ako agad ng mga kaibigan ko kung totoo ba iyon. Sabi ko sa kanila walang katotohanan lahat ng iyon. Siyempre pa, buo ang paniniwala ko no'n na sa akin ka magpapakasal. Na tayong dalawa ang haharap sa altar balang-araw. Gayunman, Dad, ang sakit-sakit ng dating ng balitang iyon noon. Kasi naman, hindi pa man umaarangkada ang love story natin heartbreak agad? Ang unfair naman no'n! Sabi ko pa nga magpoprotesta ako sa tadhana kapag nagkagano'n!

Dad, alam kong may gusto ka na sa akin no'n. Ang isang tulad mo na jina-juggle ang studies at pagma-manage ng negosyo ng pamilya ay hindi naman magsasayang ng oras sa pagtuturo sa isang boba sa economics na tulad ko. Hindi hamak na oras ang ginugugol mo sa pagpapa-photocopy ng notes mo para lang may magamit ako for self-study. Hindi ka rin siguro mag-aaksaya ng panahong hiraman pa ako ng mga libro sa library kung wala kang nararamdaman sa akin, di ba? Kaya nga sabi ko sa mga friends ko no'n, h'wag silang ano because my Big Daddy loves me!

At tama nga ako. Dahil minsang na-stranded ako sa Quezon Hall dahil sa walang humpay na pag-ulan, you got off your flashy car at sinundo mo ako with an umbrella. Tandang-tanda ko kung gaano dumagundong ang puso ko habang prenteng-prente kang naglalakad paakyat ng hagdan papunta sa kinaroroonan ko. Sa pagkakaalala ko pa, ang dami naming girls noon ang na-excite kung sino sa aming nagtitipon sa gitna ng hallwayng Quezon Hall ang pinuntahan mo. Nang finally lumapit ka sa akin, ang daming napa-'Ay!' with a capital D for disappointment. Haha!

Pinaramdam mo sa akin right there and then, Dad, na ang haba-haba ng hair ko! Pakiramdam ko tuloy no'n ako si Rapunzel. Tuloy kahit hind ako masyadong mahilig sa fairy tales, nakahiligan kong basahin ang kuwento niya. Ang saya ng feeling na mahaba ang hair, sa totoo lang! Haha! Nakalimutan ko tuloy agad no'n ang bali-balitang kumakalat sa campus na ikakasal ka na.

That first car ride with you was one of the most exciting happenings of my college life! For the first time kasi ay nakasakay ako sa isang Lambo. Biruin mo? Ang isang Tondo girl ay napansin ng isang Taga-Forbes at naihatid pa sa kanilang barung-barong. How swell was that?

Hindi ko malilimutan ang panlalaki ng mga mata ng mga kapitbahay namin nang dahan-dahang huminto ang Lambo mo sa tapat ng eskinita namin. Nang alalayan mo ako hanggang sa pagpasok sa makipot naming daanan ay nakaka-proud talaga. No'n ko naramdaman na mayroon akong halaga bilang babae at higit sa lahat bilang tao. Yes, Dad. Ikaw ang unang nagparamdam sa akin ng pagpapahalaga. Sa iyo ko unang na-feel na may value ang pagkatao ko.

Before I get emotional here, Dad, I want to let you know that you've changed my perspective about rich people. Dahil sa iyo, natuto akong h'wag humusga ng kapwa. Dahil sa iyo rin nagsikap akong huwag matulad sa nanay ko. Sabi ko noon, no matter what, hindi ako lalapit sa isang lalaki para lamang may tumustos sa pangangailangan ko. I also promised myself then that I will try to succeed in life para kahit papaano ay hindi ka mahiya na iharap ako sa mga tao sa mundo mo.

Ang dami kong naging plano noon, Dad. Mga planong hindi ko sukat-akalain na mananatiling isang plano lang. Naging marupok kasi ako. But I do not blame you for my life's failures, Dad. Kahit ano man ang nangyari sa atin, minahal kita nang buong-buo. You will always be my Big Daddy no matter what.

I still love you, Dad. You will always have my heart now and forever. Walang makakapigil sa damdamin ko para sa iyo. Iyong-iyo pa rin ang puso't kaluluwa ko. Magpawalang-hanggan...

Your baby,

Isadora

DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)Where stories live. Discover now