Letter #42 - Sinasamba kita

521 40 13
                                    

Dear Big Daddy,

Queen Isadora Hotel in Hong Kong? Gosh, Big Daddy! Naiyak ako. Hindi ko napigilan ang pagdaloy ng butil-butil na luha sa pisngi nang mag-flash sa TV sa hospital ward na kinasadlakan ko ang breaking news tungkol sa isang Filipino company na nagtayo ng isang five star hotel sa ibang bansa sa Asya. Queen Isadora...Wow, oh, wow!

I have always wondered kung naging isyu itong hotel and resort naming sa pagitan ninyo ng iyong asawa. Hindi ba siya nagtanong kung bakit ganoon lagi ang napili mong ipangalan sa chain of hotels and resorts mo? Did she ever ask about who Isadora was?

Alam mo ba kung ano ang naging reaksiyon ni Rona nang makita niya ang pinakatitigan ko sa TV screen noong inauguration ng hotel mo sa Hong Kong? Natawa siya nang todo. She kissed my forehead and gave me a tight hug. Akala niya ay nagpapatawa lang ako nang sinabi kong dati kitang nobyo. Habang nagsasalita ka kasi sa harapan ng bagong five star hotel mo ay sinabi ko sa kanya na kung hindi naging malupit ang tadhana ikaw sana ang naging ama niya. Well, who would have believed me? Walang nagbago sa iyo liban sa a few lines on your forehead. Ikaw pa rin ang crush ng bayan sa peyups. Ang tinitilian ng mga kolehiyala. Ang star basketball player ng unibersidad. Matikas pa rin kasi ang tindig mo sa suot mong Amerikana. Ang gwapo-gwapo mo pa ring tingnan! Ako? Ang dami nang kulubot sa mukha ko, Dad. Naging humpak pa ang pisngi ko dulot ng sakit kong ito. Kumakain naman akong mabuti. Hindi nga lang kasing lakas dati. Pero parang wala nang epekto ang mga kinakain ko. Payat pa rin ako kahit ano'ng gawin ko. Hindi na yata marunong mag-absorb ng nutrients itong nanghihina kong katawan.

Queen Isadora...Sinabi ko kay Rona na ako ang Isadorang iyon. Sabi niya, "Mama, nainom n'yo ba ang gamot n'yo?" She was thinking I was having delusions of grandeur! Kung sa bagay, hindi naman nakakapagtaka iyon. Kung pinagdikit tayo ngayon, para mo na akong mama! Ang sagwa nang pakinggan kung tawagin kitang Dad. Pero kiber. Ikaw pa rin ang Big Daddy ko, di ba?

Kung dati may pagdududa pa ako sa iyo kung iniisip mo pa ako, kung mayroon pa rin akong pitak sa puso mo, nang mga oras na iyon nabura lahat ng iyon. Tinupad mo kasi ang lahat na pangako mo noon sa akin. Sabi mo noon, patatayuan mo ako ng mga gusali! You will carve my name on the grandest building you can ever think of! Napapangiti ako kapag naalala ko iyon, Dad. You lived up to your promises! Patunay ang paglalagay mo ng pangalan ko sa mga five star hotels at resorts mo! Ibig sabihin lang no'n ganoon pa rin ang tingin mo sa akin. Grand. Elegant. Beautiful. Thank you, Big Daddy. Ang laking tulong n'yon sa biglang paglakas ng aking katawan. Nagkaroon ako ng karagdagang rason para mabuhay. Nagulat nga rin ang mga doktor ko dahil nakaraos na naman ako, Dad. Naiuwi na naman ako ng aking anak dahil bumuti ang aking kalagayan. Tingin ko pa nga, mas lalo akong lumakas nang mga oras na iyon. Iba talaga ang naidudulot ng pag-ibig. Haha! Huwag kang matawa, please. Alam kong mas demonstrative ka kaysa sa akin, pero hindi mo style ang flowery words. Pero just let me be...Haha! Para na akong timang, Dad. Ngingiti-ngiti ako nang walang obvious na dahilan. Ilang beses ko ngang nahuli na tinitingnan ako ni Rona nang may pag-aalala nang mga oras na ito. Kung alam lang niya...

I will always be grateful to you, Big Daddy. Always. I feel blessed to have known you and to be loved by you. Hindi man umayon sa kagustuhan natin ang kapalaran, ang pagtuloy mong pagsamba sa akin ay sapat na para gustuhin kong mabuhay pa. Kung sana maipakita ko sa aking anak na isang katulad mo dapat ang hinahanap niya sa isang lalaki, iyong pahahalagahan at mahalin siya despite the odds, tingin ko mapagtanto niya na she was merely settling with Caloy. Dalangin ko na sana ay mauntog siya sa lalong madaling panahon. Na sana ay magkaroon din siya ng isang katulad mong sasamba sa kanya kahit ano pa ang mangyari sa kanilang dalawa.

Alam ko Dad na hindi ka tumigil sa pagsamba sa akin. Rest assured ganoon din naman ako sa iyo. Sasambahin kita magpawalang hanggan.

Ang corny mong baby,

Isadora

DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin