Letter #48 - Miss Me, But Let Me Go

1K 58 30
                                    

Dear Big Daddy,

After all these years, ngayon ko lang natuklasan ang katotohanan sa isa sa mga pinagtataka ko noon. Tama nga all along ang kutob namin ni Mama. Noong may pumunta sa dati naming barung-barung sa kabilang barangay at sabihin na pinamanahan daw kami nila Lolo't Lola ng lupa't bahay, naisip agad niyang paano nangyari iyon? Ang alam ng ermat ko kasi ay matagal nang pinagbili iyon ng mga magulang niya. Sugarol kasi ang lolo ko kung kaya nabaon sila sa utang. Ang alam din ni Mama, nilisan nila ang bahay na iyon hindi sa kung ano pa mang rason kundi dahil sapilitan na iyong kinuha ng mga bumili sa kanila. Kaya paanong nakuha ulit iyon ng mga magulang niya at ipapamana pa raw sa kanya? Isa pa, kung totoo nga iyon bakit hindi umalma ang mga swapang niyang mga kapatid?

Wala akong proof na ikaw nga ang bumili ng bahay for us dahil alam mong iniipit na kami ng may-ari ng lupa doon sa dating kinatitirikan ng munti naming tahanan, pero malakas ang kutob ko na sa iyo nga galing ang regalong ito noon. I felt like you just made it looked like it came from my grandparents so we will accept it without any question. Kaso sa isang banda naman, naisip ko ring kung galing nga sa iyo itong bahay at lupa bakit hindi mo ako pinuntahan dito noon? Bakit mukhang clueless ka kung saan ako hanapin? O alam mo at ayaw mo lang akong puntahan?

May isa kaming kapitbahay noon na nagsabing may mukhang mayamang dumating dito noon. Ikaw agad ang naisip ko. If ever nga ikaw iyon, why did it take you a long time to reach out to me? Nalilito ako, Dad. Kasi noon kahit na may asawa ka na at hindi ko tinanggap ang alok mong sumama na sa iyo, umasa pa rin ako na you will do something about your situation and come back to me. Naisip ko pang alam mo kung saan ako hanapin dahil ikaw naman ang nagpalipat sa aming mag-ina sa kabilang barangay. Ano ba talaga ang totoo, Big Daddy?

Oo nga pala, bumalik sa barangay namin ang dating nobyo ni Rona. He came to see my daughter. I drove him away. Ano siya, sinuswerte? Para ano pa at gusto niyang makausap ang anak ko? Para muling saktan? Nagmakaawa siya sa akin, Dad. Importante raw na makausap niya ang bunso ko. Lalo akong nagalit. May mga sinabi ako sa kanyang hindi maganda. Pagdating ni Rona mula sa isang job interview at sabihan kong dumaan ang nobyo niya, I saw some sparkle in her eyes. Sinabi kong itinaboy ko ang lalaking iyon dahil masama siyang tao. Nakita ko ang pait na gumuhit sa kanyang mukha. She didn't say anything. Tumangu-tango lang at nagkulong na sa kuwarto. Parang piniga ang puso ko. I cannot bear to see her like this. Nabwisit na naman ako sa lalaking iyon. Kung bakit kailangan niyang magpakitang muli. Maayos na ang buhay ng anak ko, eh. In fact, magkakatrabaho na siya soon. Ang sabi ng kompanyang pinag-aplayan niya, okay lang na hindi pa siya pasado sa board. Ang importante makaka-martsa siya this March.

Hindi na ako mapakali, Dad. Gusto ko nang hilahin ang mga oras. I want to be there in her graduation. Gusto kong masaksihan ang pag-akyat niya ng entablado habang kumukuha ng kanyang diploma. I feel like I am not going to stay here longer. Kaya gusto ko sana makita man lamang iyon. Gusto ko pa ring maging bahagi ng pinakaimportanteng milestone sa buhay ng bunso ko.

I love my Rona so much, Dad. Minsan hindi ako makatulog sa gabi thinking about what her life would be without me. But then at the same time, I feel kind of assured now dahil at least mayroon na siyang sandata para sa pakikibaka sa buhay. Sana ay hindi siya tumulad sa akin. Sana ay gamitin niya ang kanyang utak. Not that I regretted meeting you, Dad. At hindi ko rin sinasabi na hindi ko ginamit ang utak ko dahil nakipagrelasyon ako sa iyo. Ang ibig ko lang sabihin ay naging tanga ako---nang kaunti. Haha! I shouldn't have postponed my life just because you were not beside me. Palagay ko kasi, I spent all my youth just waiting for you to come back. At hindi ako masyadong nagpursige sa buhay dahil I was trapped in our world. Ayaw kong gawin din ni Rona iyan para kay Caloy. Hindi siya karapat-dapat para pag-alayan ng wagas na pag-ibig. I want my daughter to be with a man who truly deserves her.

Sana hindi ako mag-aalala nang ganito kung alam kong maaasahan ko si Damian. Palagay ko kasi, binuhos ng walanghiyang iyon ang kanyang puso't kaluluwa sa pangalawa niyang pamilya. Wala nang itinira sa aming mag-ina. I haven't seen him in a long time, Dad. Not that it mattered. Ang gusto ko lang sana ay bigyan niya rin ng kaunting kalinga si Rona.

Naisip ko tuloy na ihabilin ang bunso ko sa iyo. Ano kaya, Dad? Okay lang kaya na ikaw na lang ang maging ama ng baby ko kapag wala na ako? Haha! Just kidding. Pero sa iyo ko siya pinangalan eh. Kaya siguro in a way ay parang may kaunti rin siyang namana sa iyo. Haha! Pareho kasi kayong magaling sa pagdisenyo ng istruktura.

Anyway, naalala ko na naman ang poem na dati ay tinalakay natin sa Humanities class. Ang isinulat ni Christina Georgina Rossetti. Ang Miss Me, But Let Me Go. I remember, I cried when you recited it in front of me especially when you asked me what will I do if the 'sun has set for you'? Nagalit ako at sinabi kong, "Hwag mo akong biruin ng ganyan!"

At that time, I couldn't imagine myself alone in the world without you. Sabi ko kasi, okay lang na hindi tayo magkasama kung hindi talaga tayo para sa isa't isa pero sana humihinga ka somewhere. This time, Dad, kung iyong mamarapatin, ako na ang bibigkas nito sa iyo at sana ay huwag kang magalit like what I did before.

When I come to the end of the road

And the sun has set for me

I want no rites in a gloom filled room

Why cry for a soul set free?

Miss me a little, but not for long

And not with your head bowed low

Remember the love that once we shared

Miss me, but let me go.


Your baby forever,

Isadora

DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)Where stories live. Discover now